Ikalabingpitong Kabanata

4K 156 67
                                    

Leaving at Agua

"Charlotte?"

Naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Charlotte, gumising ka pakiusap!"

Gumising? Bakit? Teka, ang boses na 'yon. Sa tono niya, mukhang sobrang nag-aalala siya.

"Charlotte!"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad namang tumambad ang mukha ni Alexeus. At kitang-kita ko ang pag-aalala niya ng labis.

"Mabuti nama't gising ka na!" sambit niya na mukhang napanatag na siya.

Nakahiga pala ako sa kandungan niya. Tapos ay dahan-dahan akong bumangon at umupo. Pakiramdam ko'y masyado akong nanghina. Ano na bang nangyari?

"Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Nanghihina ka pa ba?" usisa sa'kin ni Alexeus na halatang labis na nag-alala sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang ako, Alexeus. Huwag ka nang mag-alala pa," sambit ko.

Ngumiti na rin siya. "Mabuti naman kung ganoon," sambit niya.

Tumayo na si Alexeus at tinulungan naman niya 'kong tumayo. Sa nakikita ko, narito pa rin kami sa baryo ng Agua. Heto kami sa tapat ng templo ni Zelion.

Oo nga pala. Si Zelion! 

"Alexeus, si Zelion? Ano nang nangyari sa kanya? Nasaan na siya?" usisa ko.

"Huminahon ka, Charlotte. Maayos na ang lahat. Natalo na natin si Zelion. Dinakip na siya ng mga guwardiya sibil ng Ajax at dinala siya sa palasyo para ikulong at husgahan upang maparusahan," sambit ni Alexeus.

Napansin kong nanahimik siya bigla at sumeryoso ang kanyang mukha.

"Ngunit, nababagabag pa rin ako sa kanyang huling sinabi nang sandaling mahuli siya ng mga guwardiya sibil," seryoso niyang sabi.

"Hindi pa tayo tapos! Magtutuos pa tayo! Darating ang araw na makakaganti din ako sa inyo! Maghintay lamang kayo! Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, mahal na prinsipe at Magissa!" sabi ni Zelion tapos ay tumawa siya na parang baliw.

"Iyon ang kanyang sinabi," sambit ni Alexeus na may halong pag-aalala. Bigla na rin tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala.

"Siya nga pala, ang kosmima. Nasaan na napunta ang kosmima ng tubig?" usisa ko.

Biglang kinuha ni Alexeus ang aking pulsuhan at hinarap sa'kin ang suot kong stefani dito.

"Kita mo?" tanong niya.

At nakita ko ngang may kulay berde nang diyamante sa aking stefani. Napangiti na lamang ako. Mabuti nama't nakuha ko pala ito.

Tapos ay nagsitipon sa amin ang mga mamamayan ng Agua. Nakita namin ang mga ngiti sa kanilang mga mukha na para bang nakahinga sila ng maluwag.

Paalis na kami ni Alexeus ng Agua. Kasama namin ngayon ang mga mamamayan nito para makapagpaalaman na rin kami sa isa't isa.

"Maraming salamat, Kamahalan, at sa iyo din, Magíssa," sambit nila.

Ningitian namin sila. Hindi naman pala kasi kagustuhan ng Emperador na ibenta ang kanilang lupain. Nalinlang lamang ang Emperador dahil nangako itong ibibigay niya ang lupain sa mga manggagawa at patuloy na pagtatrabahuhin sa lupa. Ngunit nang maipagbili ito, hindi ito tumupad sa usapan. Bagkus, ibinenta itong muli sa iba at pinalayas sila ng bagong bumili nito.

At ito nga ang ama ni Zelion at ginamit nila ang pagkakataong ito upang siraan ang palasyo sa mga mamayan nito upang makagawa ng isang pag-aaklas laban dito at makuha nila ang posisyon ng Emperador.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon