Ikaanimnapu't tatlong Kabanata

1.2K 52 0
                                    

The Two Magissa

Aero!

Tumakbo ako ng ubod ng bilis. Ubod ng bilis hanggang maramdaman kong lumulutang na ako.

Namangha ako lalo na nang makita kong nagkapakpak ako na parang sa anghel. Kaya naman walang alinlangan akong lumipad upang sundan sila Margaret.

Sa una ay nahihirapan akong magbalanse dahil unang beses kong lumipad at ngayon lang ako nagkapakpak dahil sa kosmima ng hangin.

Ngunit kalauna'y naging maayos din ang aking paglipad. Nasundan ko na ang buhawi at ilang metro na lamang ang layo ko mula rito.

"Ibalik mo sa akin si Alexeus!"

Pilit akong lumalapit sa buhawi ngunit tinutulak ako papalayo ng malakas na hangin nito. Pero hindi ako dapat sumuko. Kailangan kong bawiin si Alexeus!

Lumayo muna ako sa buhawi at nag-isip. Pinalibutan ko ang sarili ko ng harang na gawa sa hangin at pinilit kong pumasok sa buhawi.

At sa wakas ay nakapasok na rin ako. Kaharap ko ngayon sina Margaret at Marcus.

"Limang minuto na lang at tuluyan nang maglalaho ang kaluluwa ni Alexeus at tuluyan nang maangkin ng kaluluwa ni Marcus ang katawan niya," sambit ni Margaret.

Tumingin ako sa mga mata ni Marcus, "Alexeus! Alam kong nandyan ka pa rin. Pakiusap, lumaban ka! Huwag mong hayaang makuha nila ang katauhan mo!" sambit ko.

"Hindi ka na niya naririnig dahil unti-unti nang naglalaho ang kaluluwang iyong tinatawag," sambit ni Margaret.

Napayuko ako at napag-ikom ko ang aking mga palad. Hindi maaari. Hindi ko hahayaang mawala sa akin si Alexeus.

"Hindi!!" sigaw ko tapos ay itinapat ko ang mga palad ko kay Margaret at naglabas ng bugso ng hangin. Ngunit agad niya itong kinontra kaya't nagbubuno kami ngayon. Wawasakin ko na lang ang buhawing ito!

Itinaas ko ang kamay ko at tintangka kong wasakin ang buhawi. Nahihirapan ako dahil masyadong malakas ang pagkakagawa rito ni Margaret.

Bigla na lamang may tumama sa aking sikmura kaya't naantala ang pagwasak ko sa buhawi dahil tumalsik din ako palabas nito.

Nakahiga ako ngayon sa lupa at nakatulala sa kawalan. Mayamaya'y nakita ko ang mukha ni Margaret.

"Hindi ko hahayaang may humadlang pa sa aming pagsasama kahit pa ang Magissa mismo," sambit niya.

Tapos ay itinapat niya ang kanyang palad sa akin. May nakikita akong liwanag na kulay lila na namumuo rito. Tatapusin ako ni Margaret sa ngalan ng pag-ibig?

Dahan-dahan akong tumayo kahit pa bakas na ang panghihina sa akin. Hindi ako magpapatalo. Lalaban din ako sa ngalan ng pag-ibig.

Idinikit ko ang palad ko sa palad ni Margaret na nakatapat sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Kung ikaw, handa kang lumaban para sa kay Marcus, handa naman akong mamatay para kay Alexeus," nakangiti kong sambit.

Tapos ay isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong paligid. Hanggang sa nagblangko na ang lahat.

---

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at narito pa rin ako sa lugar na pinagtutuusan namin ni Margaret. Tapos ay dahan-dahan akong bumangon.

Naglakad ako ng kaunti at nakita kong nakahiga naman si Margaret sa kabilang panig. Tapos ay nilapitan ko siya.

Gising na siya at pawang nakatulala lang siya sa kawalan. Napansin ko ang lumiliwanag sa kanyang bandang dibdib na kulay lila.

"Hinayaan ko siyang maging masaya sa iba kahit labag sa aking kalooban. Hindi ko nilabanan ang aming tadhana. Naging duwag ako," sambit niya hanggang sa may mga luha nang dumaloy sa kanyang pisngi.

"Ang huling hiling ko kay Mulciber ay buhayin kaming muli sa ibang katauhan at kahit gaano katagal ay maghihintay ako, makasama ko lang muli si Marcus. Sinabi sa akin ni Mulciber ay bubuhayin niyang muli si Marcus sa katauhan ng susunod na kabalyero. Isang daang taon akong naghintay."

"Naghintay akong mag-isa taglay ang labis na lungkot at pangungulila sa loob ng napakahabang panahon. Iyon din kasi ang aking naging kaparusahan dahil sa paglabag ko sa pangunahing kondisyon ng pagiging isang Magissa," sambit niya.

"Anong ibig mong sabihin?" usisa ko.

Tumitig siya sa akin. At sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng pagkahabag. "Nilabag ko ang pangunahing kondisyon na manatiling birhen habang ako pa ang hinirang na Magissa."

Nabigla ako sa aking narinig. "May nangyari sa amin ni Marcus noong napadpad kami sa aking mundo. Kaya naman nakumpleto ko nga ang anim na kosmima ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay sa pagtalo kay Skotadi. Hindi ko naabot ang pinakamalakas na antas ng pagiging isang Magissa. Kaya naman napatulog ko lang ang diyos na dragon na iyon at hindi ko siya tuluyang natalo."

"Kaya naman kinailangan muli ng Stavron ng Magissa, at ikaw nga ang napili. Paumanhin Charlotte kung nasadlak ka sa sitwasyong ito dahil sa aking kapusukan," sambit pa niya habang lumuluha.

Napabuntonghininga ako. "Ayos na iyon, Margaret. Ayos lang."

"Isa sa mga dahilan kung bakit ako nabuhay ng matagal ay ang tinataglay kong kosmima." Nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Nakikita mo ba iyong lumiliwanag sa bandang puso ko? Naroon iyon. At ibinibigay ko na ito sa'yo."

Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kanyang dibdib at nabigla ako nang tumagos ang aking kamay dito. At nang mahawakan ko na ang kosmima ay bigla kong hinugot ang aking kamay.

"Taglay mo na ngayon ang kosmima ng psyche. Ang Psykos," sambit niya.

At nakita kong nagkaroon ng kulay lilang diyamante sa aking Stefani.

"Salamat sa pagpapalaya sa akin, Charlotte..."

Mayamaya'y naglaho bigla ang katawan ni Margaret at may puting liwanag na umakyat sa langit. Nang tumingala ako ay nakita ko ang kaluluwa ni Margaret kasama ang kaluluwa ni Marcus. Nagyakap sila at nakita ko ang tuwa sa kanilang mga mukha.

Nang maglaho ang kaluluwa nina Marcus at Margaret ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumubulusok pababa ang walang malay na si Alexeus!

Nasa anyo pa rin ako ng Magissa ng Aero kaya naman agad kong inilabas ang pakpak ko at agad na pinuntahan si Alexeus.

Niyakap ko siya kaagad ng mahigpit at kusa nang kumawala ang mga luha sa aking mga mata.

"Alexeus..."

"H-hindi ako makahinga..." Napatingin kaagad ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita.

"Alexeus! Mabuti't nagkamalay ka na. Akala ko iiwanan mo na 'ko," sambit ko.

"Puwede ba 'yon? Hindi ko makakayang iwanan ka, Charlotte," sambit niya tapos ay pinahid niya ang aking mga luha.

"Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako at hindi ako mawawala sa'yo." Lalo ko siyang niyakap nang mahigpit dahil sa kanyang sinabi.

Niyakap niya ako pabalik, "Mahal kita."

Nabigla ako sa kanyang sinabi at nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso at pag-init ng pisngi.

---

Sumikat na ang araw at nakaupo lamang kami ni Alexeus sa tabi ng lawa upang magpahinga. Ilang sandali ay nakarinig kami ng yabag ng kabayo kaya't napatingin kami kung saan iyon nagmumula.

"Alexeus? Charlotte?"

"Ikaw pala, Calisto. Anong ginagawa mo rito?" usisa ni Alexeus sa kararating lang na prinsipe na sakay ng isang puting kabayo.

"Ugali ko talagang mamasyal tuwing umaga rito sa tabi ng Lawa ng Karan. Kayo? Anong ginagawa niyo rito?" sambit niya.

"Nasa Karan pala tayo, ang hangganan ng Cascadia at Baltsaros," sambit ni Alexeus.

"Mahabang kuwento, Calisto," sambit ko.

"Kung ganoon, handa naman akong makinig, Charlotte," nakangiti niyang sambit.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now