Ikalimampu't-walong Kabanata

1.2K 56 0
                                    

The Assassin's Tribe

Ang lalaking halos nakatakip na ang buhok sa kanyang mga mata. Ang misteryosong lalaki na nakalaban ko sa arena. Nandito na naman siya upang pagtangkaan ang buhay ko.

Inilagan ko ang sunod-sunod na atake niya gamit ang kanyang punyal. Nang may pagkakataon ay hinila ko ang braso niya at pinilipit ito tapos ay isinandal ko siya sa isang puno.

Pero sinipa niya 'ko sa sikmura na siyang ikinatalsik ko. Bago pa ako makatayo ay inapak-apakan niya pa ako sa sikmura habang dumadaing ako.

Tapos ay pumaibabaw siya sa'kin habang nasa leeg ko ang mga kamay niya. Mahigpit ang pagkakasakal niya sa'kin at halos hindi na ako makahinga.

"Lumaban ka nang maayos, Magissa!" sambit niya na puno ng galit.

Sumisinghap na ako habang pinipilit na magsalita. "Hi-hindi ko makakayang labanan ang isang nilalang na nagpapakita ng alinlangang paslangin ako," sambit ko. Nabakas sa kanyang mukha ang pagkabigla at pagtataka.

"Kasinungalingan!" angil niya. At lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa'kin.

"Paano naman mangyayari 'yon? Ikaw ang pumatay sa aming diyos!" dagdag pa niya.

Anong pinagsasasabi niya?

"Naaalala mo ba si Mikadou na nakalaban mo sa Aegaeon isang daang taon na ang nakakaraan?"

Mikadou. Aegaeon. Pamilyar. Oo tama! Naalala ko na. Marahil ay si Margaret ang tinutukoy niya at akala niya ay ako 'yon.

"Kailangan ko ang mga kosmima upang buhaying muli ang aming Panginoon!" dagdag pa niya.

Hinawakan ko ang mga braso niya at pinaso ang mga 'yon. Mabilis naman niyang tinanggal ang pagkakasakal niya sa'kin habang dumadaing sa sakit.

"Ang unang Magissa ang tinutukoy mo at hindi ako," sambit ko.

"Kalokohan. Kahit ikaw man o hindi ang unang Magissa o kahit ilang Magissa pa ang magdaan, iisa lang kayo! Nabubuhay lang kayong muli sa iba't ibang katauhan!" angil niya.

Ramdam ko ang kanyang labis na lungkot at poot. Iyan nga marahil ang dahilan kung bakit ako ang punterya ng kanilang tribo. Naniniwala silang ako at si Margaret ay iisa.

Sa isang iglap ay nasa harap ko na naman siya at inaatake na naman ako gamit na ang dalawang punyal. Mabilis ang kanyang mga kilos na parang kisapmata. Kapag hindi ako nag-ingat nang mabuti ay tatamaan ako ng punyal niya na hindi ako nagkakamali ay may taglay na lason.

Sinasalag ng mga kamay at braso ko ang bawat sipa at suntok niya na parang kidlat sa bilis. Hindi ako sanay sa malapitang laban kaya nag-aalinlangan ako.

"Geo!"

Sa isang iglap ay naging mapusyaw na kayumanggi ang mga mata ko at ginintuang kayumanggi naman ang buhok ko. Ang anyo ng Magissa ng Geo.

Itinulak ko siya gamit lang ang isang palad ko mula sa kanyang dibdib. Naglaan ako ng puwersa sa aking kamay para tumalsik siya, at nagtagumpay naman ako.

Napasadsad siya pahiga sa lupa at nilapitan ko siya.

"Nag-aalinlangan kang paslangin ako, tama ba?" tanong ko.

Nakahiga lang siya sa lupa at mukhang hinang-hina. Mukhang napalakas yata masyado ang puwersang nilaan ko.

Pupulutin na sana niya ang punyal na katabi niya ngunit inapakan ko kaagad ang punyal at sinipa ito papalayo sa kanya.

"Matagal ko nang napapansin. Ang mga kulay ng dulo ng mga punyal mo. May asul, may pula. Asul kapag panandalian lang ang bisa, at 'yong pula naman ay 'yong nakamamatay, tama ba?" usisa ko pa. Napansin ko na 'yon mula pa no'ng inatake nila kami sa Calidan.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now