Ikapitompu't-pitong Kabanata

777 39 8
                                    

The Last Gem

“Alam mo ba kung saan ‘yong lugar na tinutukoy ng katheftris?” tanong ni Alexeus. Narito kami ngayon sa aking silid habang naghahanda ako papasok sa school.

“Oo. Kilalang tindahan ng alahas ‘yon dito sa aming lugar. Maaari ko iyong puntahan mamaya,” sagot ko.

Bigla ko namang napansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Alexeus. Kaya naman umupo ako sa tabi niya.

“Bakit? May problema ba?” usisa ko.

“Huling kosmima na ito. Pagnakuha mo na ito, babalik na tayo sa aking mundo upang isakatuparan mo ang iyong misyon ayon sa propesiya. At pagkatapos no’n…” Tapos ay hinawi niya ang aking buhok sa likod ng aking tenga.

“Maghihiwalay na ang ating landas at hindi na tayo magkikita pa kailanman, Charlotte.”

Tila nadurog ang puso ko sa kanyang sinabi. Sinampal ako ng katotohanang iyon. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan ko siya sa labi ng marahan. Pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.Niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan ang ulo ko.

Handa na ba ako sa araw na ‘yon? Ikaw ba, Alexeus? Handa ka na rin ba sa pagdating ng araw na ‘yon?

---

Nakasakay na ako sa sasakyan namin na minamaneho ni Mang Bert, ang personal driver ko. Ihahatid na niya ako sa school. Tulala lang ako habang nakatingin sa bintana at iniisip ang mga sinabi sa’kin ni Alexeus kanina.

Tila natauhan naman ako nang madaanan namin ang jewelry shop na ipinakita ng katheftris.

“Mang Bert.”

“Yes, Miss?”

“Puwede bang ihinto mo po muna ang kotse?” sambit ko.

“Ha? Bakit, Miss? May dadaanan ka po ba?” tanong niya.

“Opo. Diyan lang. At hindi rin naman ako magtatagal. Please, importante lang po,” sambit ko.

“Sige po, Miss.” Tapos ay itinabi niya ang kotse at doon itinigil. Lumabas agad ako ng sasakyan at tumawid sa kabilang kalsada habang walang sasakyan na nadaan.

Pagpasok ko sa jewelry shop ay hinanap ko kaagad ang kuwintas na may orange na bato. Nasaan na ‘yon? Bakit hindi ko Makita?

“Ma’m, may I help you?” sambit sa’kin ng saleslady.

“Ah yes. Tanong ko lang po kung nasaan ‘yong silver na kuwintas na may bato na kulay orange sa gitna?”

Nag-isip sandali ang saleslady. “Ahh, ‘yong sunset necklace po ba? May bumili na po kahapon no’n, Ma’m,” sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari! “S-sinong bumili?” tanong ko.

“Lalaki po. Siguro mga kasing-edad niyo rin po. Matangkad siya at pogi,” sagot niya.

“A-anong pangalan? Puwede ko bang malaman?”

---

Nasa school na ako at sa wakas, tumimbre na rin ang lunch break na kanina ko pa hinihintay. Nagmadali akong lumabas ng classroom upang puntahan ang bumili ng kuwintas na nagtataglay ng kosmima.

Pumunta ako sa classroom niya ngunit wala siya ro’n. Tumakbo naman agad ako sa Student Council Office. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong naroon siya.

“William.”

“Oh, Charie,” nakangiti niyang bati habang may ginagawang paperworks sa mesa niya.

“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong ko.

Huminto siya sa kanyang ginagawa. Tumayo siya at hinarap ako.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now