Ikaapatnapu't-siyam na Kabanata

1.9K 81 11
                                    

The Fraud Gem

Seryoso lamang na nakatingin sa isa't isa sina Alexeus at Despoina. Halata naman sa mukha ni Despoina na alam niyang mapapalaban siya rito.

Kabalyero ng apoy at yelo? Parang ngayon ko lang 'yan narinig. Wala akong natatandaan na nagawa rin 'yan ni Marcus.

Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako sa aking puso ng pag-asa. Alam kong ipinagkaloob sa kanya 'yan ng Panginoong Mulciber upang makaligtas kami sa sitwasyon naming ito.

"Subkan natin ang lakas mo, kabalyero!" bulyaw ni Despoina tapos ay itinapat niya ang kanyang palad kung nasaan si Alexeus at mabilis siyang nagpabulusok ng itim na apoy papunta sa kanya!

Mabilis namang iniharang ni Alexeus ang kanyang Flago kaya't hindi siya tinamaan. Bagkus, ang itim na apoy ay naging itim na yelo!

Bakas ang labis na gulat sa mukha ni Despoina. Lalo pa siyang nagulat nang makita niyang ang itim na yelo ay nagpira-piraso at naging mga matutulis na yelo ang mga ito. At nang iwinasiwas ni Alexeus ang kanyang espada ay bumulusok ang mga tulos ng yelo na 'yon pabalik kay Despoina.

Matapos masugatan ng mga iyon si Despoina ay sumabog ang mga ito sa kanya na nakapagpadagundong sa buong lugar.

Nang maglaho ang makapal na usok sa paligid dahil sa malakas na pagsabog kanina ay nakita naming nakatayo pa rin si Despoina ngunit sugatan na ito at bakas na sa kanya ang pagod.

Itinapat muli ni Despoina ang kanyang mga palad sa direksyon ni Alexeus at nakagawa siya ng mga bola ng itim na kidlat sabay sunod-sunod niyang inatake nito si Alexeus.

Ngunit mistulang naging balewala ito kay Alexeus dahil iniharang lamang niya ang Flago, iwinasiwas at bumalik ang mga bola ng itim na kidlat kay Despoina at sumabog ang mga ito sa kanya.

Bakas na labis na poot sa mukha ni Despoina marahil pakiramdam niya'y dehado na siya sa laban. Nagpalitaw ng isang malaking espada si Despoina sa kanyang kamay na nababalutan ng itim na usok.

Tumakbo siya ng ubod ng bilis upang sugurin si Alexeus. Nagbabanggaan na naman ngayon ang kanilang mga espada na halos magkasinlaki lamang.

Maririnig ang pag-alingawngaw ng mabibigat na pagkalansing ng kanilang espada habang nagbabanggaan ang mga ito. Mahigpit na nagkikipagbuno ng espada ang magkalaban sa isa't isa at walang gustong magpatalo.

Labanan ng espada ang nagaganap ngayon sa pagitan nilang dalawa hanggang sa naputol bigla ang espada ni Despoina.

"Hindi maaari ito!" pagkabigla niya.

Dahil sa pagkabigla ni Despoina at nawala ang kanyang isip sa laban kaya't nagkaroon ng pagkakataon si Alexeus na tapusin siya. Itinaas ni Alexeus ang kanyang espada upang makabuwelo ng malakas. Hiniwa niya si Despoina sa katawan ngunit tumagos lamang ito dahil bigla itong naglaho at naging itim na usok.

Pagkatapos ay naglaho bigla ang itim na usok sa hangin. Sa tingin ko'y nakatakas lamang si Despoina.

Agad naman akong nilapitan ni Alexeus at matagumpay niyang nasira ang harang na ginawa ni Despoina. Sunod ay hiniwa din niya ang kadenang nakatali sa kabila kong kamay.

Nanlalabo na ang aking paningin at nanghihina na ng lubos ang aking katawan. Kaya't napahiga na lamang ako sa lupa ngunit nasalo ni Alexeus ang aking ulo at inihiga niya 'ko sa kanyang kandungan.

"Charlotte..." pagbigkas niya sa pangalan ko at kahit nanlalabo na ang aking paningin ay kita ko pa rin ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

Kinuha niya ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang stefani. Nagtaka ako nang hubarin niya ito mula sa aking kamay. Inilapag niya ito sa kanyang tabi at sinaksak ng kanyang Flago. Lumiwanag ito ng kulay itim tapos ay may narinig kaming nabasag mula dito.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now