CHAPTER 45- "THE UNEXPECTED MEETING"

26.2K 717 14
                                    

BRYAN's POV

"HAAAHHH!!!" mabilis akong napabangon sa aking higaan habang habol ang aking paghinga. Wala sa sariling napahawak na lang ako sa aking dibdib at paulit ulit na sinuri ang aking sarili. Parang totoo ang lahat! Kani kanina lang, ramdam na ramdam ko ang pagtarak ng espada sa aking puso at ang unti unting pagkawala ng aking buhay.

"Fucking nightmare!" dali dali na akong nag ayos ng aking sarili at nagmamadaling lumabas ng aking silid. Damn that girl! Dapat malaman ni Dark ang lahat! Kung ang iba, kayang kaya nyang lokohin, ibahin nya ako.

One of my special ability is to see premonitions through my dreams. At kahit minsan, hindi pa ako nagkamali lalong lalo na kung banta ito sa aming seguridad.

Naabutan ko na silang lahat sa loob ng dining room at hindi ko na napigilang titigan ng masama ang traydor sa aming grupo.

"You're late." hindi ko na pinansin ang sinabi na iyon ni Dark at dire-diretso lang akong naglakad palapit sa traydor na ito. Balewala lang nya akong tinignan na sinuklian ko lang ng isang ngisi.

"What the hell is wrong with you?" tanong nya sa akin ngunit sa halip na sagutin ito, walang paalam na hinablot ko ng buong pwersa ang kanyang braso dahilan upang mapatayo sya sa kanyang kinauupuan.

"Ano bang problema mo hah?! Bitiwan mo nga ako!"

"Problema? Ikaw ang problema! Traydor ka! Matagal mo na kaming niloloko pero hindi na ngayon!" napahigpit pang lalo ang pagkakahawak ko sa kanya dahil sa sobrang inis. Wala na akong pakialam kahit na nasasaktan pa sya. Ang mahalaga sa ngayon, mailabas ko ang anumang sikreto na itinatago nya.

"Aray naman! Nasasaktan ako! Pwede ba! Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Huwag ka na ngang magpanggap na inosente! Alam ko na ang totoo—"

"Stop it Bryan! Bitiwan mo si Sarah."

"Pero Dark—"

"Let her go!" wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil na din sa intensity ng boses nya. Pabalya ko syang binitiwan habang hawak naman nya ang braso nyang nagmarka dahil sa higpit ng hawak ko sa kanya kanina.

"Ngayon, anong ibig sabihin nito, Bryan?" full of authority nyang tanong sa akin. Maging ang atensyon nila Yuri ay nabaling na din sa akin na tila inaabangan ang anumang sasabihin ko.

"I dreamt last night. Or should I say, I have seen a premonition. Si Sarah at ang isang myembro ng council, sila ang mga taksil ng grupo natin. At alam mong kahit minsan, hindi pa ako nagkakamali sa mga nakikita ko."

"WHAT?! Ano bang sinasabi mo? Ako, traydor? Alam mo namang hindi ko iyon magagawa!" tiningnan ko lang sya ng masama dahil sa sinabi nya na iyon.

"Huwag ka nang magmalinis pa! Kahit ano pa ang sabihin mo—"

"Tama na Bryan! Wala kang patunay na sya ang traydor. Maaaring nagkakamali ka lang sa iyong ibinibintang. Ilang araw nang nagkakagulo kaya marahil ay kung ano ano na ang pumapasok sa isip mo." pati ba naman ikaw, Zed!

"Pero malakas ang kutob ko! Sya talaga—"

"Enough!"

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang habang nagpipigil ako ng galit. Bakit ba kasi ayaw nyo akong paniwalaan? Magsasalita pa sana ako ngunit agad din akong natigilan. May kakaiba akong pakiramdam na may nakatitig sa akin.

At hindi nga ako nagkakamali. Nakatingin ng masama sa akin si Yuri at alam kong may ibig syang sabihin sa mga tingin na iyon.

'Stop or I'll kill you'

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon