CHAPTER 42- "MISSING PIECE"

24K 724 22
                                    

CLYD's POV

It's been a month simula ng umalis sya. At sa bawat araw na gumigising ako, pakiramdan ko, unti unti akong pinapatay. Nilalamon ng lungkot ang puso ko na para bang gusto ko na lang mamatay. God knows how much I miss her. Gustong gusto ko nang makita ang ngiti nya, ang bawat kilos nya na nagpapatigil sa mundo ko. Simula kasi ng umalis sya, wala na kaming narinig na balita tungkol sa kanya. Maging sila Dad, iniiwasan kami sa tuwing tatanungin namin sila tungkol kay Yuri.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. The hell with it! Hindi naman ako iyakin pero pagdating kay Yuri, lahat ng emosyon ko lumalabas! Twelve years akong naghintay sa kanya tapos ganito lang ang mangyayari sa amin! Naguumpisa pa lang ang love story namin pero the end na agad.

"Miss na miss na kita Yuri ko." hindi ko maiwasang banggit habang nakatayo ako at nakatingin sa labas ng glass wall ng opisina ni Lolo. At tila nga naman nakikisama sa akin ang kalikasan, lalo pang lumakas ang pag ulan ng snow sa labas.

Napakalungkot sa buong Academy. Isang buwan nang tuloy tuloy ang pag ulan ng snow at sa mga panahong iyon, ni hindi man lang namin nasilayan ang pagsikat ng araw. Isang buwan nang nababalot ng kadiliman ang buong Academy. Isang buwan nang wala kaming liwanag. At nagsimula iyon ng umalis sya.

"Achoo!!! Kelan ba titigil ang snow na yan?" dahan dahan akong napalingon sa gawi nila Xena ng sabihin nya iyan. Magkakatabi silang nakaupo sa sofa habang yakap nya si Han. Nandito kaming pito dahil pinatawag kami nila Dad.

"Nagiging yelo na tuloy ang sipon ko. Ayoko pa naman ng ganitong feeling. Pakiramdam ko, magkakasakit na ako."

"Pasalamat ka nga at iyan lang ang nararamdaman mo...." sabay sabay pa silang napalingon sa akin kaya't hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.

"....Walang wala ang pinagdadaanan mo sa pinagdadaanan ko. Ikaw, sipon lang ang nagyeyelo. Ako, ang puso ko at buong pagkatao."

"Clyd...."

Napako ang atensyon namin sa biglaang pagbukas ng pinto at pagpasok nila Dad kasama si Mikhail. Lahat kami ay natigilan sa expression ng mga mukha nila. Worried was written all over their faces. Lalo na si Lolo na hinihilot hilot pa ang kanyang sentido pagkaupong pagkaupo nya sa kanyang swivel chair.

"The situation is getting worst." bulong pa nito pero nakaabot ito sa aming pandinig.

"Indeed." napalingon kaming lahat kay Alex na kasalukuyang pinagmamasdan ang bulaklak na pinalabas nya sa kanyang palad. Hindi din nakalampas sa aming paningin ang unti unting pagkalanta nito. Tila ba tinatanggalan ito ng buhay.

"Nalulungkot ang mga halaman. Unti unti silang nawawalan ng buhay sa bawat araw na lumilipas. At kapag nagpatuloy ito, hindi malabong tayo na ang susunod." sandali kaming natahimik hanggang sa tumikhim si Dad bago sya nagsalita.

"That's the number one sign of imbalanced nature. Yuri is being devoured by darkness. Kinalimutan na nya tayo ng tuluyan." hindi na ako nakapagpigil pa at napahampas na lang ako ng malakas sa table ni Lolo.

"Tss! Ipipilit nyo na naman ba ang mga kasinungalingan nyo?!" napunta ang atensyon nilang lahat sa akin dahil sa biglaang reaksyon ko. Sa tuwing ipapatawag kasi nila kami, lagi na lang nilang pinasasama ang imahe ni Yuri.

"Kung dati, wala kaming matibay na ebidensya, ngayon meron na." pagkatapos sabihin ito ni Lolo, may kung anong bagay syang inilabas mula sa drawer ng kanyang table. Mayroong apat na crystal ball na iba't iba ang kulay ang pinakita nya sa amin. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang bola na kulay itim.

"Each of these crystal ball represents the four elements of nature. And this one represents Yuri." sabay turo nya sa itim na bola.

"How?" naguguluhang tanong namin.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon