TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)

109K 2.2K 144
                                    

"Yuri, kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng papa mo ha."

"Ma, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan tsaka si p-papa, ano ba talagang nangyayari? Yung lalaking dumating, ano ba talagang kailangan nya sa atin?"

"Wag ng masyadong maraming tanong Yuri, bilisan mo, kailangang makalayo ka dito"

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari, basta nagising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi na parang may nagkakagulo sa labas ng bahay namin. The next thing i knew, kinakaladkad na ako ni Mama papunta sa basement namin. Pagpasok namin, agad sinara ni Mama yung pinto at binuksan ang ilaw ng madilim na kwartong ito. Madaming nagtambak na gamit pero ang nakatawag sa pansin ko ay ang lumang baul na kasalukuyang hinahalungkat ni Mama. Teka, wag mong sabihing.....

"Ma, wag mong sabihin na....."

"Yuri, sorry pero kailangan naming gawin ito. Hindi ka pwedeng mapahamak ngayon, hindi pa ngayon anak...."

"Pero Ma, hindi ko kayo pwedeng iwan ni Papa, hindi ko kaya..."

"Kakayanin mo Yuri."

Parehas na kaming luhaan ni Mama, alam ko na kung anong nangyayari, at isipin ko pa lang, pakiramdam ko, unti unti na akong pinapatay. Inabot sa akin ni Mama yung bagay na kinuha nya sa baul. Isang espada na kilalang kilala ko at isang sulat na nasa loob pa ng sobre.

"Halika na Yuri, wala na tayong oras ."

Sabay hila sa akin ni Mama palabas ng basement. Nakakapagtaka lang, wala na yung ingay kanina, ngayon naman halos nabingi na ako sa sobrang katahimikan. Dali dali kaming lumabas sa likurang parte ng bahay namin. Meron kasing daan doon na ginagamit lang namin pag ganitong sitwasyon, para lang matigilan sa nakita namin sa labas na nagpasakit sa aking damdamin.

"Saan sa tingin nyo kayo pupunta ha, Yesha? Wala na kayong kawala sa akin."

Sobra akong nanginig hindi dahil sa takot kundi sa galit nang makita ko yung taong yun. Isang lalaking nakasuot ng kulay itim na damit katulad ng kay kamatayan, may peklat sa kanang bahagi ng mukha na parang sinabuyan ng asido at mayroong mala demonyong ngiti, at sa may paanan nya ay nakahiga ang isang lalaking napaka importante sa akin, naliligo sya sa sariling dugo at wala ng buhay.

"P-papa, h-hindi, hindi ito pwedeng mangyari...."

"A-allen, hindi to totoo......."

"HAHAHAHAHAHA!!! WALA NA SYA! WALA NA SYA! PINATAY KO NA SYA! HAHAHAHAHA!!!!"

Sabay sipa nya sa katawan ng Papa ko palapit sa amin ni Mama. Agad naman namin itong nilapitan at sabay na niyakap. Ramdam na ramdam ko ang galit ko! Nanginginig ang katawan ko sa galit! Gusto kong pumatay! Gusto kong patayin ang gumawa nito!

"Tama na ang drama! Tutal naman magkakasama sama na din kayo sa impyerno!"

Napatingin ako sa taong iyon, at sobrang nagulat dahil sa isang iglap, nasa harapan ko na sya at handang handa na akong patayin! Kumikinang pa sa ilalim ng liwanag ng buwan ang espadang hawak ng lalaki. Sobrang bilis ng mga pangyayari, ayaw gumalaw ng katawan ko kaya't napapikit na lang ako at hinihintay ang aking kamatayan. Ilang sandali na ang nakalipas pero wala pa din akong maramdamang sakit.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, na sana pala ay di ko na ginawa. Sumalubong sa akin ang unti unting pagbagsak ng duguang katawan ni Mama. Sinalo nya ang atake na dapat ay sa akin. Wala akong kwenta! Wala akong kwentang anak! Ni hindi ko man lang sila naipagtanggol. Ang dalawang taong napaka importante sa akin, wala na ngayon, nawala sila dahil sa pag protekta sa akin.

"Hah! Walang kwenta! Di ko akalaing ganito lang pala kadaling mapatay ang mga magulang mo! Mga mahihi-"

"Ikaw, pinatay mo sila! pinatay mo ang mga magulang ko! WALANG HIYA KAAAAAA!!!!"

Wala na akong pakialam sa paligid ko, basta ang alam ko, kailangan kong mag higanti! Inatake ko sya ng inatake gamit ang espada. Ni hindi ako makaramdam ng pagod. Nagdidilim ang paningin ko, kailangan ko syang mapatay!

"AGGGHHH!!!" Sigaw nya kasabay ng pagtalsik ng kanyang sandata. Dun ako biglang nagising, nakita ko syang duguan. Kung ganon, napuruhan ko na pala sya. Aatake na sana ako ng biglang may malakas na pwersa ng nagpatalsik sa akin. Tinignan ko kung saan nggaling yon. Yung lalaki, may dumating syang isa pang kasamahan. Natawa ako, ganon na ba ako kahirap patayin at kailangan pa nila akong pagtulungan?

"Tama na yan Zed, kailangan na nating bumalik, tapos na ang misyon mo dito."

"Pero kailangan ko syang patayin! Di ako papaya-"

"Susunod ka sa akin o ako mismo ang papatay sa iyo?"

Bigla akong kinilabutan ng hindi ko alam kung bakit. Bakit parang natatakot ako sa bagong dating na ito?

"UGH! HINDI PA TAYO TAPOS!!!!" Bigla na lang silang nawala sa paningin ko, pati presensya nila hindi ko na maramdaman.

Mabilis akong tumayo at pinuntahan ang mga magulang ko. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko. Ngayon ko lang napansin, may mga sugat pala ako sa braso at binti. Nang makarating ako sa kanila, agad kong kinalong ang ulo ng Mama ko. Minulat nya ang mga mata nya at binigyan nya ako ng tipid na ngiti.

"Yu-yuri, a-anak, wag ka ng u-umiyak."

Pero di ko mapigilan ang sarili ko, lalo at alam kong anumang sandali iiwan na din nya ako.

"Ipangako mo, i-ito na ang huling p-pagkakataon na iiyak ka Yuri. Promise me."

"*sniff* I promise...."

"Good....yung sulat na b-binigay ko sayo, pag na-nabasa mo na, mangako ka, pupunta ka doon, l-ligtas ka sa lugar na iyon Yuri."

"Opo Ma.."

"Tandaan mo, mahal na mahal ka namin Yuri......"

Iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kanya. Kasabay ng katahimikan ng gabing iyon, sa ilalim ng bilog na buwan, nawala ang dalawang taong lubos kong pinahalagahan. Wala na sila. Wala na.....

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon