CHAPTER 1- "YOU'RE INVITED"

64.5K 1.6K 70
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha. Isang buwan na simula ng mangyari yon at hanggang ngayon, napapanag inipan ko pa din ang mga pangyayaring sumira sa aking pamilya. Hindi ko namalayan, umiiyak na naman ako.

"Mahirap palang sundin ang pangako ko sa iyo, Mama..."

bulong ko sa aking sarili.

Sa loob ng isang buwan, wala akong ginawa kundi ang mag mukmok. Pagkatapos ng libing nila Mama at Papa, hindi na ako lumabas pa ng bahay namin. Kung pano ako nakakakain? Dinadalan ako ng pagkain ng kapitbahay namin. Si tita Lorie, kaibigan sya nila Mama, sya din ang tumulong para mapa libing sila Mama dahil wala na akong natitira pang kamag anak. Isang buwan ang binigay kong palugit sa akin para makapag move on. At saktong isang buwan na ngayon

Tumayo na ako sa kama para maghilamos. Papunta na sana alo sa CR nang maagaw ang pansin ko ng isang sobre sa ilalim ng study table ko. Bigla kong naalala....

"Shit! yung sulat na binigay ni Mama! Bakit nga ba nakalimutan ko to!" Dali dali ko iyong pinulot at naupo sa gilid ng kama. Pagbukas ko ng sobre, dalawang sulat ang nandoon. One is just an ordinary paper while the other one caught my attention. It is made up of a delicate paper or an invitation to be exact. Una ko iyong binasa. Shock was written all over my face when I started reading it.

To Mr. and Mrs. Raven,

We cordially invites your daughter, Yuri Raven to be one of our gifted students here @ TRUE CROSS ACADEMY. We hope that you will acknowledge this letter of ours not only for the future of your daughter, but also for the future of our land.

             TRUE CROSS ACADEMY

WOW! TRUE CROSS ACADEMY, alam ko elite school yun for the elite ones. Marami ang gustong makapasok dun at lagi iyong usap usapan sa previous school ko. Pero syempre, pili lang ang pwedeng pumasok dun. You know, it's a  majic school kasi. Lahat ng students doon, may iba't ibang ability. Sunod ko namang binasa yung isa pang letter. Penmanship to ni Papa, ang panget eh.

YURI,

Sa mga oras na binabasa mo ito, sigurado akong wala na kami ng Mama mo. Yung invitation galing sa Academy, gusto kong magpunta ka doon. Iyon lang ang safest place para sa iyo Yuri. Alam kong hindi ka nila papabayaan doon lalo na't dati kaming nagtuturo doon diba?

Dati kasing professor doon sila Mama at Papa bago sila mag decide ng mabuhay ng normal.

Hanapin mo doon si Cristoff Hanes, kaibigan namin sya ng Mama mo. Yung sword na binigay ko sa iyo, gusto kong ingatan mo yan ng maigi. Hanggat maari, wag mo sanang ilalayo yan sa iyo ok? Kapag nabasa mo ito, gusto naming umalis ka na agad sa bahay natin. Sana maintindihan mo Yuri. Always remember, mahal na mahal ka namin ng Mama mo.

P.S.

Nasa likod ang sketch kung pano ka pupunta sa Academy. Be a good girl ok?

Pagkabasa ko noon, kinuha ko agad yung sword na binigay sa akin ni Papa. Kulay blue yung handle pati yung case ng sword na to. Medyo mahaba pero manipis lang, pwede mong i compare sa katana. Marunong talaga akong gumamit nito, syempre tinuruan ako ni Papa, magaling kaya syang swordsmen. Nag impake na agad ako ng mga gamit ko. Kinuha ko din yung atm at passbook na iniwan sakin nila Mama. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko pala ito gagamitin.

Pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at short. Nagsuot din ako ng puting cloak na lampas sa tuhod. Longsleeves din ito at may hood. Tinignan ko ang repleksyin ko sa salamin, grabe, mukha akong kulto! Pero syempre, maganda pa rin. Hindi ko na pinusod ang mahaba kong buhok. Pagkatapos, sinukbit ko na sa likod ko yung sword. Buti na lang talaga may ganito yung sword ko, kundi mahihirapan pa akong magbitbit. Time check, 10:30 am, Hmmmmm, maaga pa, dadaanan ko muna sila para mag paalam. Bitbit ang dalawang maleta ko, bumaba na ako para umalis.

"Ma mimiss ko ang lugar na ito, mukhang matatagalan pa bago ako makabalik."

Dumaan din ako kay tita Lorie para mag paalam. Buti na lang naiintindihan nya ang sitwasyon ko.Binilin ko na din sa kanya yung bahay namin. At ngayon, nandito ako sa harap ng puntod ni Mama at Papa.

"Ma, Pa, siguro masaya na kayo dyan ano? Andaya nyo naman kasi e, iniwan nyo agad ako....."

Tumingala ako para pigilan ang mga luha kong malapit ng bumagsak. Pero di ko mapigilan kayat hinayaan ko na lang.

"Matatagalan pa siguro bago ko ulit kayo mabisita. Pupunta na ako sa Academy eh. Pero syempre, hindi ko kayo kakalimutan. Mahal na mahal ko kayo. Lagi kong tatandaan yung mga bilin nyo sa akin. Bye Ma, Pa, see you soon......."

Saktong 3:00 ng hapon ako nakarating ng Eutopia (ito yung pangalan ng lugar kung nasaan ang Academy). Grabe, nakakamangha, para akong nasa isang fairytale. Napakaganda ng lugar na ito. Yung mga puno, akala mo may mga buhay na sumasayaw pag umiihip ang hangin. Yung mga tao dito, sobrang mababait. May mga bata pa ng naglalaro gamit yung majic nila.

"Ate, excuse po, saan po ba ang daan papuntang TRUE CROSS ACADEMY?" tanong ko sa isang babaeng sa tingin ko kaedaran ko lang.

"Ah, doon oh!" sabay turo nya sa likuran ko.Pagtalikod ko, biglang nanlaki yung mata ko. Yung Academy kasi, matatagpuan sa itaas ng bundok, napaliligiran din ito ng mataas na pader kaya't di masyadong kita ang loob. Pero ang makatawag pansin ay ang mala palasyong istruktura nito. Kahit yung bandang tuktok lang ng Academy ang nakikita ko, alam kong napakaganda nito.

"Si-sigurado ka ba ate na iyon yon? Bakit parang ang layo yata?"

"Oo, yun talaga yun. Naku, dapat umpisahan mo nang maglakad papunta dun, baka abutin ka pa ng gabi, mahirap na.Dadaan ka pa kasi sa loob ng gubat, siguro 2 oras pa bago ka makapunta."

"Ah ganun ba, sige ate, salamat." tinignan ko ang oras, 3:15 na, siguro naman bago mag 6 nandun na ako, kailangan ko na ngang magmadali.

Naglalakad na ako ngayon dito sa loob ng gubat. Grabe, ang tatas ng mga puno dito. Nakaka mangha talaga. Naiisip ko tuloy, ano kayang mangyayari sa akin pagdating ko sa Academy? Mababait din kaya ang mga tao doon? Naku sana naman. Mahirap kaya ang may kaaway.

Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa harap ng Academy. Nakakalula ang taas ng gate! Pero napakaganda nito! Kulay gold sya tapos sa taas, may mga ilaw na nakapalibot. Medyo madilim na sa paligid kaya kitang kita mo yung mga ilaw. Paglapat pa lang ng mga palad ko sa gate, agad iyong bumukas na parang hinihintay talaga ako. Bumungad agad sa akin ang isang nakangiting lalaki. Siguro kaeded sya ni Papa. Magsasalita na sana ako ng maunahan nya ako.

"Ikaw siguro si Yuri Raven? Kamukhang kamukha mo ang Mama mo."

"Ah, ako nga po, pano nyo po ako nakilala?"

"Syempre kilala kita, ako nga pala si Cristoff Hanes, ang kaibigan ng Papa mo."

Kung ganon, sya pala yun.

"Halika na, maggagabi na, delikado na pag nag stay ka pa dyan." dugtong pa nya. Pagpasok ko sa loob, di ko maiwasan na mas lalong mamangha.

"WOOOOWWWWW!!!!!!!"

yan na lang ang nasabi ko

††††††††

nxt chapti makikilala nyo na yung mga characters, malaman nyo na din ang ability ni Yuri!

babooosh!!!

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon