CHAPTER 14- "ATTACK"

33.6K 995 19
                                    

YURI'S POV

"Let me tell you a story...."

Seryoso ang mukha ni Rin habang sinasabi nya ito sa amin kaya naman minabuti namin na makinig sa kanya. Umupo kami paikot sa bonfire at nakinig sa kwento ni Rin.

"So, paano ko ba sisimulan ang kwento?" tanong nya sa amin ng nakaayos na kami sa pagkakaupo.

"O sige, ganito na lang, magtatanong kami tapos sasagutin mo."-Akira

"Good idea Akira! Ako na mag sstart. Sabihin mo sa amin, bukod sa pagiging bantay ng templo, sino ba talaga si Han?" tanong ko sa kanya.

"Si Han ay isang demonic cat. Pansin nyo naman diba na hindi sya normal na hayop? Dati kasi, tahimik na namumuhay ang mga tao kasama ng mga kakaibang nilalang na katulad ni Han.

At si Han, sya ang pinuno nila. Sya din ang nangangalaga sa kagubatan na ito. Lumipas ang panahon at nag desisyon ang mga tao ng ipagpatayo si Han ng isang banal na templo bilang kabayaran na din sa mga tulong na naibigay nya sa mga tao.

Madami ang sumasamba noon kay Han dahil sa paniniwala ng mga tao na sya ang dahilan kung bakit naging masagana noon ang Greenland."

"Ah tama! Naituro sa amin yan dati! Sya pala yung sinasabi nilang legendary God of Harvest!" sabat ko sa pagkukwento ni Rin.

"Tama Yuri, sya nga iyon. Dati, taon taon na ginaganap dito sa Greenland ang Harvest Day, kung saan nagpapasalamat ang mga tao kay Han dahil sa buong taong masaganang pamumuhay nila."

"Kung malapit sya sa mga tao, bakit nya tayo inatake kanina? Tsaka napansin ko lang, parang galit na galit sya nung nakita nya tayo." nagtatakang tanong ni Akira.

"Nagsimulang magbago ang lahat ng dumanas ng tagtuyot dito sa Greenland. Lahat ng pananim at mga ilog, lahat ng iyon ay natuyo. Nakaranas ng matinding gutom ang mga tao hanggang dumating sa punto na nagkasakit na sila at ang iba naman ay nagkamatay.

Humingi ng tulong ang mga tao kay Han ngunit kahit sya ay walang nagawa sa mga nangyayari. Unti unting nawala ang paniniwala ng mga tao kay Han hanggang sa tuluyan na syang kalimutan ng mga ito. Wala nang dumadalaw kay Han sa templo na labis nyang ikinalungkot. Hanggang isang araw, nagulat na lang si Han ng sumugod ang mga tao sa kanyang templo at binalak itong sunugin. Hindi nanalo ang mga tao laban kay Han ngunit sa pagkakaalam ko, napuruhan din sya dito. Iyon ang huling araw na may nakakita kay Han kaya naman ang paniwala ng mga tao ay patay na sya. Laking gulat ko talaga nung makita ko sya kanina."

"Matagal na bang nasa templo yung scroll?"-Akira

"Oo, sa simula pa lang, nasa pangangalaga na iyon ni Han. Naghihintay lang sya ng tamang tao na pagbibigyan nya nito."-Rin

"Kelan nyo balak na sumugod ulit?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Bukas ng umaga, paplanuhin natin ng maayos ang pagsugod. This time, wala ng atrasan."

......

Kinabukasan...

"Ok! Ayos na gamit ko!" masiglang sabi ko sa kanila.

"Ako din, ok na!"-Akira

"Ok! Bago tayo umalis, mabuti siguro kung makipag communicate muna kayo sa Academy para malaman nila kung ano na ang update sa inyo diba?"-Rin

"Sige!" sabay kuha ni Akira sa phone nya. Kahapon pa pala kami hindi nakaka contact sa Academy. Sigurado sermon na naman aabutin namin ni Akira.

"Eh? Lowbatt? Ikaw na kaya Yuri."

"Huh? Sige." kinuha ko na agad ang cellphone ko mula sa bag ko.

"Eh, wala naman palang signal dito!" reklamo ko sa kanila. Kaya siguro walang nangungulit sa akin kanina.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon