CHAPTER 21- "THE UNREQUITED LOVE"

32.9K 1K 141
                                    

LIRA's POV

Kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba kay Yuri. Ewan ko lang kung ako lang ba o pati sila Xena ay napansin din iyon. Para kasing hindi sya excited eh. Parang may mali. Come to think of it, simula ng pumasok sya dito sa Academy, wala syang binabanggit tungkol sa pamilya nya.

Xena: "Ui Lira! Ditooo!!"  agad naman akong nakalapit sa kanila na ngayon ay nakaupo palibot sa isang round table. Sa sobrang lakas ng boses ni Xena, napakaimposibleng hindi ko sya makita. Para kasing nakalunok ng mic! Kumpleto na ang barkada pwera lang kay Clyd at Yuri.

Me: "Nakita nyo ba si Yuri?"

Xena: "Yan nga din sana ang itatanong ko sayo."

Me: "Eh si Clyd?"

Alex: "Nandito sya kanina pero nagpaalam sya na may pupuntahan lang daw."

Rin: "Pustahan tayo, magkasama sila ni Yuri!"

Alex: "Naman! Halatang halata naman kasi."

Akira: "Bakit kasi ayaw pa nya umamin?"

Ash: "Ang sabihin nyo, napakamanhid kasi ng kaibigan nyo!"

Xena: "Ui, hindi naman."

Rin: "Anong hindi, halos lahat nga gawin na nung isa tapos hindi man lang mapansin ni Yuri."

Me: "Eh napakatorpe naman kasi ni Clyd!"

Alex: "Sabagay, isang torpe at isang manhid! Malayo ang mararating nilang dalawa! Hahahaha!!!!"

"Sino yung sinasabi nyong torpe tsaka manhid?" sabay sabay pa kaming napalingon sa nagsalita na iyon. Sa likod nya ay nakatayo si Clyd na masamang masama ang tingin sa aming lahat lalo na kay Alex. Patay na! Wag ka nang magsalita Alex!

Yuri: "Sino sabi yung pinag uusapan nyo?" umupo na sya sa bakanteng upuan at tumabi naman sa kanya si Clyd.

Alex: "H-hindi mo n-naman kilala yun eh. He-he-he!"

Yuri: "Malay mo kilala ko! Sige na kwento!"

Sheettt!!! Manhid nga!!!

YURI's POV

Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Feeling ko ang saya saya ko na hindi ko maintindihan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko na hindi ko mawari. Ah basta! Masaya ako!

Clyd: "Wala ka bang balak na tumayo dyan? Gusto mo ba buhatin pa kita papunta sa Event Hall?"

Me: "Eto na nga!" lumabas na ako ng silid na iyon na may ngiti pa din sa mga labi. Nang maabutan ko si Clyd, agad kong niyakap ang braso nya habang lumalakad kami. Mukha ngang nagulat sya sa ginawa ko tapos bigla na namang namula ang mukha nya. Napansin ko lang ha, medyo napapadalas yatang mamula si Clyd.

Me: "Ui Tae, magpatingin ka na nga sa doktor. Madalas kong napapansin lagi kang namumula. Baka kung ano na yan."

Clyd: "Ano bang sinasabi mo dyan? Bitiwan mo nga kasi ako!"

Me: "Ayoko nga! Pasensya ka, ganito talaga ako kapag masaya. Hahaha!"

Clyd: "Sana nga ganyan ka na lang lagi..."

Ano daw?

Me: "Ano sabi mo? Lakasan mo kasi boses mo."

Clyd: "Wala! Sabi ko bingi ka!"

Me: "Sunget!"

Nang malapit na kami sa Event Hall, bumitiw na ako sa kanya. Mahirap na, baka mamaya matsismis pa kaming dalawa. Hinanap ko agad kung nasaan na sila Lira. Hindi naman ako nahirapan na hanapin sila lalo na't agaw atensyon naman sila.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon