CHAPTER 36- "L.Q."

30.1K 870 98
                                    

YURI's POV

Grabe sakit ng ulo ko! Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ko kikitilin ang buhay ni pokemon. Tapos nakisabay pa si Clyd! Magdamag kong hinintay na tumawag or mag text man lang sya pero wala! Huhuhu!! Ang panget ko tuloy ngayon. Gusto kong ibenta ang eyebags ko ng buy one take one.
"Good morning Yuri!"
"Ako na magdala ng gamit mo Yuri."
"Hello Ms. Campus!"
"Morning beautiful!"
"Good morning idol!"
"Idol, pa picture naman sa iyo!"

Halos lahat ng estudyanteng madaanan ko, yan ang bati sa akin. Yung iba naman, nag gi-give way tapos biglang bow ng ulo. Yung totoo? Anong panis na pagkain ang tinira nila? O kaya, kaninong kili kili ang pinagpuyatan nilang hithitin?

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na din ako sa room namin. Dire-diretso lang ako sa upuan ko at hindi na pinansin ang tinginan sa akin ng mga classmates namin. Who cares anyway? Pagkaupong pagkaupo ko ay nakita kong palapit sa akin si Clyd.

Umupo sya sa pwesto ni Rin kaya naman lumipat ang huli sa bakanteng upuan sa tabi ni Akira. Bahala sya sa buhay nya! Tampo ako!

"Yuri, kausapin mo naman ako."

"Lalalalala! Wala akong naririnig!" sabay lagay ng dalawang daliri sa tenga ko.

"Yuri naman, wag kang ganyan. Let me explain please."

"Lalalalala! Ang ganda ganda ko!"

"Ui! Ano bang kasalanan ko sa iyo?" hindi ko pa din sya pinapansin kahit pa panay ang dutdot nya sa tagiliran ko.

"Don't tell me, nagseselos ka kay Mikhail?" bigla tuloy akong napatayo dahil sa sinabi nya.

"Damn it Clyd! Bakit naman ako magseselos? Tigilan mo ako dahil hindi ako nagseselos! Magsama kayong dalawa ni pokemon! Period!" nagmamartsang iniwan ko sya doon. Pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko palabas ng room namin, naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

Hindi ako kaagad nakapag react sa ginawa nya. Feeling ko tuloy, huminto ang oras namin. At ayan na naman po ang puso ko, nagsasayaw ng Taktak sa sobrang saya.

"Please stay Yuri. I don't know what to do if you keep on doing this to me. I fucking love you that I will do everything for you. I fucking love you forever." paulit ulit nya itong sinasabi habang nakasubsob ang mukha nya sa leeg ko.

"Ge." cold kong sabi sa kanya. Pinipilit ko ding tanggalin ang ang mga braso nyang nakayakap sa bewang ko. Syempre dapat galit galitan ako sa kanya noh! Kahit pa gustong gusto ko nang mag wigle wigle dito sa sobrang kilig. Bahala talaga sya! Manigas sya! Kahit anong gawin nya hin-

Hala teka! Bakit pakiramdam ko nababasa yung leeg ko? Tapos lalo pang humihigpit yung yakap sa akin ni Clyd. Tsaka bakit parang nanginginig yata sya?

"H-hoy Clyd, umiiyak ka ba o nagbabaha ka ng laway sa leeg ko?" parang joke lang naman yun eh.

"*sniff* Hindi noh! B-bakit naman ako i-iiyak? Hindi ako bakla." lalo pa syang sumubsob sa leeg ko habang tuloy pa din sa pagsinghot. Naalala ko tuloy yung nabasa ko kagabi....
'You can tell if a guy is hurt or in pain if he cries in front of you. And if he does, it only means one thing. He really is head over heels in love with you.'

Lihim na lang akong napangiti dahil doon.

"Psh! Hindi lahat ng lalaking umiiyak, bakla na!" grabe! Hirap na hirap na po akong magpigil ng kilig dito. Buti na lang walang tao sa harap ko, kundi, kanina pa siguro ako nahuli na nakangiti at nag bablush.

"Fine! Umiiyak na kung umiiyak! Happy?"

"Tss! Bitawan mo na nga ako. Hindi ako makahinga!" pere pwede deng weg ne. Ekey ne ekey seken yen kehet ferever ne teyeng genete! Ehehehe! Okay! Landi ah!

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon