CHAPTER 10- "THE PROMISE"

40.3K 1.2K 21
                                    

ASHTON'S POV

Eh? Mission daw ba sabi ni Yuri?

Alex: "Yuri, pakiulit nga sinabi mo, nabibingi na ba ako?"

Yuri: "May mission kami. At hindi ka bingi, sadyang tanga tangahan ka lang."

Ash: "Nice one Yuri!"

Alex: "Tumigil ka Ashton ha! Napaka harsh naman nun Yuri. Pwede mo namang sabihin na nabibingi nga lang ako."

Yuri: "Truth hurts talaga Alex."

Yan ang gusto ko kay Yuri, pag sya kumontra kay Alex, siguradong basag!

Lira: "Kelan daw ang alis nyo?"

Yuri: "Tomorrow 5am daw."

Xena: "Hala! Nagmamadali? Ui girl, pasalubong ko ha. Pag may nakita kang cd ng bagong anime, alam na!"

Lira: "Ano ba yung mission nyo? Ilang araw ba kayong mawawala?"

Yuri: "E, ayaw ipasabi ni MaThunders. Tapos di namin alam kung ilang araw kami  dun eh. Basta pag natapos agad namin, babalik na agad kami."

Clyd: "Sinong MaThunders?"

Yon! Nagsalita din si Clyd! Akala ko hindi na sya kikibo!

Yuri: "Sus Clyd! Sarili mong kamag anak hindi mo kilala? Wag kayong maingay ha, si Headmaster yun. Yung kakambal ni Jericho!"

Walanjo ka talaga Yuri, ikaw lang nakakagawa nyan kay Headmaster.

Ash: "Saan ba kayo pupunta? Pwede ba naming malaman?"

Yuri: "Wag nga daw naming sabihin. Don't worry, pag nandun na kami, tatawagan ko naman kayo. Ang tagal naman kasi ni Akira."

Clyd: "Bakit? May gagawin ba kayo?"

Yuri: "Oo, pupunta kami sa bayan, sabi kasi ni Sir, excuse na daw kami sa afternoon class para makapag ready kami. Alam nyo na, di ako mabubuhay ng walang pagkain kaya bibili ako ng mada-"

Naputol ang pagsasalita ni Yuri dahil sa malakas na sigaw ni Akira.

Akira: "YUURRIIII!!!!"

Yuri: "Pano guys, andyan na si Akira, kailangan na naming umalis. Kita kits na lang tayo dito mamaya sa dining hall. Make sure na present kayong lahat mamaya ha, may surprise kasi ako."

Xena: "Anong surprise?"

Yuri: "Surprise nga diba? O sya, aalis na kami. Babye!"

Kanina pa nakaalis sila Yuri pero kahit isa sa amin, walang balak magsalita. Sigurado ako naramdaman din nila iyon.

Alex: "Ehem..."

Nice one Alex, panira ka talaga ng moment.

Lira: "What do you think guys? Ako lang ba o talagang may mali sa kinikilos ni Yuri?"

Ash: "So, napansin mo din pala."

Lira: "Yeah, kinakabahan tuloy ako para kay Yuri. Alam naman nating lahat na normal lang sya pero bakit binigyan sya ng mission na yan!"

Xena: "Same here. What if mapahamak sila habang nasa misyon? Ano ba kasi naisipan nila at isinabak na agad nila si Yuri sa ganitong sitwasyon?"

Alex: "Guys, baka nakakalimutan nyo kung ano ang kayang gawin ni Yuri. Kahit na normal lang sya, alam kong kaya nya ang sarili nya."

Lira: "But that doesn't change the fact that Yuri is just a mere human! Alam kong malakas sya pero may limit pa din iyon! What if mamatay s-"

Napatahimik naman kami sa biglang reaksyon ni Clyd. Bigla na lang kasi syang tumayo at hinampas ng malakas ang table. Pati ibang students tuloy napatingin na sa amin.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon