CHAPTER 25- "THE GAME OF SURVIVAL"

34.1K 870 28
                                    

YURI's POV

Where am I? Bakit ang dilim? Bakit wala akong maramdaman man lang? Gusto kong sumigaw pero walang boses ang lumalabas sa aking bibig.

Gamit ang lahat ng aking lakas, pinilit kong idilat ang aking mga mata. Agad kong nabungaran ang isang lalaki sa aking harapan. Nakasuot sya ng itim na damit at may maskara ang kanyang mukha.

May sinasabi sya sa akin pero hindi ko ito maintindihan. Hanggang unti unti nyang tinanggal ang kanyang maskara. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha ng malaya kong mapagmasdan ang kanyang mukha.
Why? Of all the people, bakit ikaw pa? Paano ito nangyari?

.

.

.

.

.

.

.

Bigla akong nagising mula sa masamang bangungot na iyon. Pawisan at lumuluha. Sumisikat na din ang araw kaya naman dumiretso na ako sa banyo para maligo. Ngunit pagtingin ko sa salamin, ibang imahe ang nakita ko imbes na sarili kong repleksyon. Ang imahe ng lalaki sa aking panaginip.

"You can't run away from me." sabi nya bago tuluyang nawala sa aking paningin.

Shit! This can't be happening to me. I think I can't escape my fate anymore.

Minadali ko na ang aking paliligo dahil nadinig kong nagising na din sila Lira. Paglabas ko ng banyo, agad natuon ang pansin nila sa akin.

Xena: "Ui, namumutla ka na naman. Baka may nararamdaman ka, ayaw mo lang sabihin sa amin. Mamaya kung ano na yan." bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Me: "W-wala to! Nagugutom lang ako kaya ganito." sabi ko na lang para hindi na sila mag alala sa akin.

Lira: "Sige, sabi mo yan. Ano nga pala nangyari sa napag usapan nyo kagabi ni Sir Cristoff?"

Me: "Ah, wala yun, wag nyo na lang pansinin."

Pagkatapos nilang maligo ay dinaanan namin si Akira sa dorm room nya at dumiretso na kami sa dining hall para kumain. Bumili na kami ng makakain namin kahit wala pa ang mga lalaki. Lasagna at pineapple juice lang ang binili ko. Ewan ko ba, wala akong gana eh. Maya maya lang ay dumating na din sila Alex. Pero hindi tulad ng dati, hindi tumabi sa akin si Clyd. Pumwesto sya sa kabilang dulo ng lamesa na malayo sa akin. Okay na din yun. Ewan ko ba, parang gusto ko munang umiwas sa kanya. Tuwing makikita ko kasi sya, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kung na eexcite ba ako o ano.

Ilang sandali lang ang lumipas at pumunta na kami sa room namin para ayusin ang Maid Cafe. After lunch pa daw kasi ang sports fest kaya may time pa kami para maglibang.

Habang nasa room kami, hindi ko pa din maiwasang maisip ang panaginip ko kanina. Para na nga akong napaparanoid kasi sa tuwing may magdadaan na estudyanteng nakaitim, akala ko sya yung lalaki sa panaginip ko. Am I hallucinating? Seeing or hearing things which are not real.

Napatawa na lang ako sa isiping iyon. Sana nga hallucination na lang ang lahat. Kaya pala kilala ko ang mata nya nung makaharap ko sya. Sya ay walang iba kundi ang aking-

Akira: "Yuri! Ano bang iniisip mo? Umaapaw na yang ginagawa mo oh!" bigla naman akong nabalik sa huwisyo ng lumapit sa akin si Akira.

Pagtingin ko naman sa ginagawa ko... o.O? Umaapaw na nga! Gumagawa kasi ako ng coffee latte eh. Hindi ko na namalayan kasi lumipad na naman pala utak ko sa Mars.

Me: "Naku, sorry! Medyo inaantok pa kasi ako eh." palusot.com

Alex: "Ayan! Kung sino sino kasi iniisip!" nagpintig naman ang tenga ko pagkarinig sa sinabi na iyon ni Alex.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon