CHAPTER 7- "DATE? (PART 2)"

36.8K 1.1K 36
                                    

YURI'S POV

Me: "Gusto ko nito, nito, nito, eto, tapos iyon, iyon, eto, iyon tsaka iyon!"

Clyd: "Seryoso?"

Me: "Ay hindi, joke lang yun, candy lang talaga gusto ko. Ano bang tanong yan Clyd? Syempre seryoso ako."

Clyd: "Psh, pilosopo."

Me: "Ano na? Gora na! Kanina pa ko gutom eh!."

Aish! Bagal bagal talaga! Dapat ako na lang bumili eh.

Pagkatapos namin kumain, syempre tuloy ang ligaya! Hindi ko muna sya inayang sumakay ng rides, alam na! Baka mamaya magkalat pa sya ng lagim! Ewww.

Dito muna kami tumambay sa may mga stalls ng games.

Una naming sinubukan yung game na huhulihin mo yung isda gamit yung net. Kaso ang hirap e. Feeling ko nga may daya yun! Yung tindero kasi, natatawa pa pag walang nakakakuha.

Me: "Oi, Clyd, saan naman tayo?"

*lingon* *lingon*

Ganon? Iwanan daw ba akong nagsasalita mag isa?

"THE FUCK! GINAGAGO MO BA AKO? MAY DAYA YATA YANG LARO MO!"

Ang boses na yun. Sabi ko na nga ba! Nako! Napaka tae talaga!

Me: "Ano problema mo tae?"

Clyd: "Eto, ginagago ako!"

Kuya: "Pero ganon po talaga ang rules Sir, medyo mahirap po pero maganda naman ang prize."

Me: "Pano ba rules Kuya?"

Kuya: "In 1 minute, kailangan maputok lahat ng 30 na lobo. Bawal din gumamit ng ability kung hindi, titigil agad ang game. Ang prize po kasi ay isang life size teddy bear."

Me: "Sige nga Clyd, try mo ulit. Papanuodin kita."

Nagbayad ulit si Clyd. Ang mahal naman! 50 per try! Madami na ding tao ang nanunuod sa amin.

Nag start na ang game. Medyo mahirap nga kasi umiikot ikot pa ang lobo tapos dart pa ang gamit. Mukhang pursigido si tae ah. Sinasabi ko na nga ba may tinatago syang kabaklaan e. Gustong gusto nya talaga yung bear.

Clyd: "Arrgghh! Lima na lang!"

Haha! Kawawa naman. Tulungan ko na nga! Baka maiyak pa.

Me: "Ako, pasubok! Clyd, bayaran mo!"

Clyd: "Sigurado ka?" tanong nya na may halong pagtataka.

Me: "Oo naman no! Tiwala lang."

Naka ready na ako. Hinihintay ko na lang ang signal ni Kuya. Sakto lang din pala na 30 ang darts. Dapat walang mintis. 2 seconds per balloon ang target ko.Ok game na.

4 na dart agad ang pinakawalan ko. Iisipin mo lang kasi dapat na para ka lang nasa training para magawa mo. Ok, 5 na lang, 20 seconds remaining. Mas mahirap ito kasi pabilis ng pabilis ang target. 3 na lang.

Naririnig ko na medyo umiingay ang crowd. Nangunguna na dyan si Clyd. Napaka ingay mag cheer. 1 na lang, 4 secs na lang. Pikit mata ko itong hinagis. Bahala na.

3...

2...

1...

Parang natahimik yata? Pagdilat ko, natamaan ko nama. Teka, n-n-natamaan ko!

"WOW! ANG GALING!"

"HANEP, ASTIG!"

"ANG HUSAY!"

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon