CHAPTER 39- "LOVE OR HATE (3)"

28.2K 792 32
                                    

YURI's POV

"Ah, eto ba? Ehem! Well, this is a kind of numerous cold-blooded aquatic vertebrates having fins, gills, and a streamlined body with an edible flesh, processed and deep fried by immersing in a deep pan of fat or oil, served with a secret delicious sauce....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

in short, fishball." *pout*

"Bwahahahahahahaha!!!! Langya ka! Pinaganda mo pa tawag! Hahahaha!!!"

>_<! Kainis talaga! Imbes na damayan ako, tinawaan pa ako! Imbyerna!

"He-he-he! Sige tawa pa more, halakhak pa much. Isa mo pang tawa at lalagyan ko ng gripo yang lalamunan mo." Mukha namang effective ang pananakot ko sa kanya dahil bigla syang tumigil sa pagtawa.

"Patikim naman ako ng 'cold-blooded aquatic vertebrates' mo na yan." sabay ngisi sa akin ng nakalaloko. Mali pala ako ng akala. Ano yun? Nag recharge lang?

"Nang iinsulto ka ba? Nakita mong dos na fishball lang to eh! Apat na piraso! Apat na maliliit na piraso! Tignan mo na! Nasaan ang konsensya mo? May pabili bili ka pa ng magnum kanina tapos fishball lang di ka pa makabili?" spell bwisit, C-L-Y-D! Kahit kailan talaga deserve nya ang title na 'ang bwisit sa buhay ni Yuri'.

"Pffttt!!! Hahahaha! Pasensya na ha, di ko talaga mapigilan eh! Hahahaha!!!"

"Sige lang, ituloy mo yan! Makakarma ka din, tandaan mo yan!!!"
Bwisit ka! Mautot ka sana kakatawa!

"Bwahahaha!!! Kung nakikita mo lang itsura mo ngayon! Hanep ka pala kapag nagagalit, pati butas ng ilong mo lumalaki kasabay ng mata mo! Hahahaha! Grabe, sakit na ng tiya-"
*Proooooot!*
Hala ano yon?! Don't tell me...

Tinignan ko si Clyd mula ulo hanggang paa habang nanlalaki ang mga mata ko. Kapansin pansin na bigla syang namutla na tila ba ibinabad sya sa isang drum ng suka. Bigla akong napatayo habang nakaturo ang point finger ko sa kanya sabay sabi...

"Hala! Si tae, nautot! Umutot ka noh! Nadinig ko yon! Wag na wag mong itatanggi! Sabi ng pwet mo, prooottt!"

Napalakas yata masyado ang boses ko dahil nakarinig ako ng hagikgikan mula sa katabi naming bench. Kanina ko pa nga sila napapansin eh. Grupo sila ng kabataan na may kakaibang trip. Lahat silang walo, nakasuot ng jacket at jogging pants na tinernuhan ng sumbrero at sunglasses. May mga hawak din silang dyaryo na nagtatakip sa mga mukha nila. Sabagay, kanya kanyang trip yan.

"H-hoy! w-wag ka ngang maingay! Hindi naman ako n-nautot eh!" at talagang hininaan pa nya ang boses nya? Akala naman nya hindi ko madidinig yon?

"Utot mo! Hindi ako bingi noh! Aish! Amin amin din kasi pag may time! Alam mo, hindi naman kasi masamang umamin minsan. Hehehe!"

"Pwede ba?! Wag ka na ngang maingay dyan! Could you atleast pretend na may naupuan lang akong softdrinks ? "

"Sabihin mo, anu yun? Solid, liquid o gas? Bwahahahaha!" Gawd! Hindi ko po talaga mapigilang tumawa!

"Enough with that! Pinagtitinginan na tayo!"

"Aba! Ako pa sisisihin mo? Kasalanan ko ba na may tone yung utot mo?! Next time kaya, i-try mo mag silent mode noh?"
*death glare*

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon