CHAPTER 29- "HIS SIDE 2"

29.6K 871 57
                                    

Karugtong po ito ng last chapter. Thanks and enjoy!

....

Kanina ko pa napapansin na wala si Yuri. Sabi nila Lira, nagpaalam daw sya na pupunta lang sa CR. Pero hanggang ngayon kasi, hindi pa din sya bumabalik. Hindi pa naman ako mabubuhay ng hindi sya nakikita. I use my ability to find her. Sound travels in the air that's why I am able to trace her.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya maya pa, nadinig ko ang tibok ng puso nya. At nandun sya sa may tambayan ko! Kapag nga naman may mahal ka, hahamakin mo ang lahat! Shit! Nagiging corny na ako ah!

Naabutan ko syang himbing na himbing na natutulog sa may bench kasama si Han. Sa sobrang himbing nya, unti unti nang bumabagsak yung katawan nya. Light bulb alert! Umupo ako sa tabi nya at inilagay ang ulo nya sa may balikat ko. Grabe ang cute nya matulog! Para syang anghel!

Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at nag picture ako kasama sya. Psh! Parang mantika kung matulog! Naka 10 shots na yata ako, tulog pa din sya. Pinili ko yung pinaka cute naming picture at ginawa kong wallpaper.
Clyd's Love Lesson 101- Torpe man ako sa inyong paningin, nakaka score pa rin. Hahaha!!!

Hindi ko na namalayan ng makatulog na din pala ako. Tapos nagulat ako ng bigla na lang nya akong tinulak! Nangudngod tuloy ako sa lupa! And again, galit galitan ako sa kanya. Sabihan ko kaya na tulo laway sya? Oo nga ano?! Pero syempre joke lang yun!

And as expected from Yuri, namumula sya sa galit sa akin. And with that, lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Inaya ko na syang magpunta sa dining hall para kumain. As usual, libre ko sya. Nakakahiya naman diba kung sya pa ang bibili ng pagkain nya. Tsaka pogi points yun dre!

Okay na sana ang lahat kaso nga lang dumating pa ang pesteng si Justin. Mukhang mahihirapan akong itaboy ang unggoy na ito ah!
@ School's Foundation Day

Kanina pa kami nandito nila Alex pero wala pa din ang aking sinisinta. Ilang minuto din ang lumipas ng makita ko na sila Lira na kausap na ang mga magulang nila. Pero hindi ko pa din maramdaman ang presensya ni Yuri. Sa totoo lang, nag aalala ako sa kanya. Ako pa lang kasi ang nakakaalam na pinatay ang mga magulang nya. Sigurado ako, naiisip nya ang mga ito lalo na't nandito ang mga magulang naming lahat.

Ginamit ko ulit ang ability ko para matagpuan sya. And then, I heard her voice. An angelic voice but full of loneliness and sorrow. Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras at pinuntahan na agad sya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakijoin ako sa kanya kahit na hindi man nya sabihin. Pano kasi nung narinig ko syang kumanta, feeling ko hinahatak nya ako palapit sa kanya. At lalo akong nahuhulog sa kumunoy dahil don. Sa isang malalim na kumunoy na hindi ko na kayang ahunan....
@ Booth Launching

Tapos na duty namin kaya naman hinahanap ko si Yuri para sana ayain na makipag date sa akin. Pero dahil nga torpe ako, nagpractice na ako ng sasabihin sa kanya. Kunwari sa deal namin yun para pumayag sya. Habang naglalakad ako, may napansin akong kakaibang booth.
Love Confessing Booth?

Parang gusto kong i-try kaso nga lang nakakabading! Sa huli, sinubukan ko pa din. At kapag nga naman nangtrip si tadhana! Nakapag confess ako sa tamang tao pero syempre iba ang dating sa kanya. Sinubukan kong mag explain sa kanya pero ayaw nya akong pakinggan.

Hanggang sa nakalayo sya sa akin pero sinundan ko pa din sya. Kaso nga lang, ang bilis nya kya nawala din sya sa paningin ko. Naglakad ulit ako para hanapin sya tapos may nakita akong booth ng Coca Cola! Yung 'share a coke' ba? Kaya naman nakaisip ako ng magandang idea.

Nagpagawa ako ng customized coke. Hanggang 7 letters lang daw ang applicable kaya naman pinalagay ko lang, 'i luv u'.
Torpe moments 101- Yung hindi masabi ng diretso, idaan sa coke mismo.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon