CHAPTER 13- "DARK FOREST"

36.7K 995 18
                                    

YURI'S POV

♪We were both young when I first saw you
I closed my eyes and the flashback starts
I'm standing there, on the balcony in summer air....♪

♪ See the lights, see the party, the ballgown
See you make you're way through the crowd
You say 'hello', little did I know...♪

Ugh! Ano ba yan, ang aga aga namang istorbo oh!

"Yuri, sagutin mo na yang phone mo, pang 20 na tawag na yata yan simula kanina." sabi sa akin ni Akira na katabi ko sa kama habang nakapikit pa sya.

"Ih, antok pa ako, pabayaan mo na lang."  sagot ko sa kanya at pumikit na ulit para matulog.

Naramdaman ko naman na bumangon si Akira pero hindi naman sya umalis sa kama. Matutulog na sana ulit ako ng biglang....

*Booogggssshhh*

"Aray naman! Ano na naman bang problema mo Akira!" Anshakeet ng ilong ko! Huhuhu! Ikaw kaya ang sipain tapos mahulog sa kama una ang mukha!

Pagtingin ko kay Akira, nakahiga na ulit sya at nakatalukbong pa ng kumot. Yari ka talaga sa akin Akira, may araw ka din.

Peste naman kasi itong kung sino mang tumatawag na ito. Ang aga agang manira ng tulog. Patuloy pa din sa pagtunog ang cellphone ko kaya naman hinanap ko na kung saan ko ito nailagay.

"Aish! Saan ko nga ba tinago yung phone ko? Nakakainis naman." saktong pagkakita ko sa phone ko ay tumigil na din sa pagkanta si Taylor Swift.

"Ang aga mo naman kasing mag ingay Taylor! Antok pa ako eh!"

Nagulat naman ako ng makita ko kung ilang missed calls at messages ang nakasulat sa screen ng phone ko.

54 missed calls!

102 messages!

At lahat ng ito, nag start 5 minutes ago! Shet na malagket naman! Balak bang i-flood ang inbox ko? Nung tignan ko kung kanino galing, gusto kong manakit na tao! Well, galing lang naman sa limang taong nasa Academy.

Binasa ko isa isa ang mga messages nila. Puro lang naman pangungumusta at pag papaalala sa amin ni Akira. Pinaka marami ang message ni tae, at halos lahat ng txt nya puro pang aasar lang. Maya maya lang, bigla ulit nag ring ang phone ko. Minabuti ko na itong sagutin para tumigil na sa pag iingay ang phone ko.

"Hellooooo..." sagot ko sa boses na inaantok.

"Oh my God Yuri! Buti naman at naisipan mo nang sagutin ang phone mo! Kanina pa kami tawag ng tawag sa iyo ah! Kamusta na kayo dyan!?" bahagya kong inilayo sa tenga ko ang phone dahil sa lakas ng boses ni Lira.

"Grabe ka naman makahiyaw Lira, tanggal tutule ko wah! Ang aga aga nyong istorbo!" I heard a static sound over the phone. Siguradong nag aagawan sila ngayon.

"Bakit ngayon mo lang sinagot Yuri? Akala namin napahamak na kayo!" this time si Xena naman ang kausap ko.

"Err, nakalimutan ko na kasi ang tungkol sa phone ko kahapon, alam mo na, medyo busy kami." sabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan.

"I-loud speak nyo na lang kasi para madinig namin."

"Oo nga! Madaya kayo eh!"

"Gusto din naming makausap sila Yuri!"

Siguradong yung tatlong itlog yun.

"Oo na, sige na, i-loudspeak ko na!" sabi naman ni Xena.

"Hoy Yuri, kamusta na kayo dyan?" tanong ni Ash.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon