CHAPTER 22- "BOOTH LAUNCHING"

34.5K 901 29
                                    

YURI's POV

I can't see anything nor feel anything. I can't even feel my heart beating. All I know is that I'm lying here in the cold ground all alone. Then suddenly, I hear a voice. A voice that's urging me to wake up. Then, with all of my remaining strength, I push myself to open my eyes. It's the most horrible scene I've ever seen in my life. This place is all covered with fire. A blazing fire to be exact. Everything was destroyed under the red crescent moon......

"Yuri! Yuri! Wake up now!"

"God! Bakit ba hindi ka magising!"

Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog nila sa balikat  ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at agad kong natunghayan ang mukha nilang dalawa. Agad akong naupo habang habol ang hininga ko.

Lira: "Buti naman nagising ka pa! Kanina ka pa namin ginigising pero wala talaga!"

Xena: "Napakaputla mo Yuri. Binabangungot ka kanina. Ano ba napanaginipan mo ha?"

Pilit ko namang inalala kung ano ang napanaginipan ko. Red crescent moon....

Xena: "Hala! Dumudugo ilong mo!" kinapa ko ang ilong ko at naramdaman ko ngang may malapot. Pagtingin ko, may dugo!

Me: "Grabe kasi yung panaginip ko! English daw ako ng english kaya ayan! Nosebleed!" tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa banyo para maligo.

Xena: "Okay ka na ba Yuri? Baka may sakit ka?" kumatok pa sya sa pintuan ng banyo para siguruhin na ayos lang ako.

Me: "Okay lang ako! Dumugo lang talaga ilong ko kanina dahil dun sa panaginip ko!" pasigaw kong sagot sa kanya.

Minadali ko na ang paliligo dahil sobra akong excited ngayon! Syempre, ngayon ang booth launching namin. Tapos madaming stall ng pagkain. Gumawa na nga ako ng list ng pupuntahan ko mamaya eh!

Habang naglalakad kami sa open field, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid. Marami kasi akong nakikita na mga food and game stalls na nakapalibot dito. Mamaya talaga iisa isahin ko ito!

May bigla namang lumapit sa amin nang mapadaan kami sa Section B na katabi lang ng room namin. Sino pa ba? E di yung unggoy na si Justin! Baka akala nya nakalimutan ko na yung kasalanan nya sa akin kahapon!

Justin: "Hi Princess!" bati nya sa akin habang abot tenga ang ngiti nya.

Me: "O bakit monkey?"

Justin: "Napakagwapo ko namang unggoy." kapal talaga ng mukha!

Me: "Pwet mo! Bakit ha? Anong kailangan mo?"

Justin: "Pwede ka ba mamaya? Samahan mo naman akong mamasyal."

Me: "Ayoko nga!"

Justin: "Ililibre kita!"

Me: "Anong oras ba?"

Justin: "Mamayang hapon. Puntahan na lang kita sa room nyo."

Me: "Ok! Libre mo yun ha!" tumalikod na ako sa kanya pero tinawag nya ulit ako.

Me: "Ano?"

Justin: "Alam ko na itatawag ko sayo! Ayaw mo yata ng princess eh!"

Huh?

Me: "Pakibilisan mo lang at madami pa akong gagawin."

Justin: "Ikaw si banana tapos ako si monkey. You know, a monkey can't live without a banana."

Me: "Tse! Baliw!" natatawang tumalikod na ako sa kanya. Aminado naman pala syang unggoy sya.

Lira: "Bakit nangingiti ka?" takang tanong nya sa akin.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon