CHAPTER 26- "HER TRUE FEELINGS"

32.1K 961 17
                                    

YURI's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa nakabukas na bintana. Umaga na pala! Teka nga, sa pagkakaalala ko, nasa loob ako ng gubat diba? Anong ginagawa ko dito?

Agad akong napabangon ng marealize ko kung nasaan ako. Nasa may infirmary ako. Pero paano? Pilit kong inalala kung anong nangyari sa akin. Yung mga halimaw sa gubat tsaka yung lalaki. Alam ko nagkasugat ako eh. Pero bakit wala akong makitang sugat sa katawan ko? Kahit maliit na galos wala talaga. Natatandaan ko pa nga yung huling sinabi nya sa akin. Imposible naman na ilusyon ko lang lahat diba? Pero bakit hindi na sumasakit yung likod ko? Tinamaan kaya ako ng malakas na force galing sa kanya tapos nauntog pa nga ako sa bato eh.

Naputol ang pag iisip ko ng kung anu ano ng bigla na lang sumakit ang batok ko. Parang kumikibot yung laman ko na parang naiipitan ako ng ugat na hindi ko maintindihan. Tumayo ako at pumunta sa banyo para sana tignan kung bakit sumasakit ang batok ko. Buti na lang at may salamin doon na magkaharap kaya makikita mo yung likod mo.

Inangat ko ang buhok ko at nakita kong parang may naka drawing sa batok ko. Nang tinignan ko itong mabuti, nakita kong star na kulay itim pala yun. Teka lang, di naman ako nagpa tattoo ah! Siguro may nantrip sa akin habang natutulog kaya nilagyan ako ng star sa batok! Naku pasalamat ka talaga kung sino ka man at maganda ang drawing mo kung hindi! Pinilit kong burahin yung star pero sa tuwing kukuskusin ko, sumasakit ito lalo. Naku! Hayaan na nga lang! Maganda naman eh!

Pagkabalik ko sa kama ay sya namang pagpasok nila Lira. Kasama nya si Xena at si Akira. Lumapit agad sila sa akin at naupo sa gilid ng kama ko.

Akira: "Kamusta na pakiramdam mo Yuri?"

Me: "Ah, okay lang?" alangang sagot ko.

Lira: "Bakit parang hindi ka sure?"

Me: "Eh, naguguluhan kasi ako sa pangyayari. Ipaliwanag nyo nga sa akin ang nangyari. Alam ko kasi nasa loob ako ng gubat diba?" nagkatinginan naman silang tatlo na parang nagtataka.

Xena: "Anong nasa loob ng gubat? Hindi ka nga pumasok dun noh! Pinapatawa mo naman kami." Eh? Ano bang sinasabi ng mga ito?

Me: "Oi, pumasok ako ah! Hinabol pa nga ako ng malaking griffin, two headed snake, minotaur, centaur, dinagit ng vulture at inatake ng isang lalaking hindi ko kilala kaya nawalan ako ng malay." nagtinginan ulit silang tatlo na tila ba hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

Akira: "Epekto siguro yan ng pop mushroom." ano daw?

Me: "Oi, wala akong tinitirang kabute noh! Ano ba talagang nangyari ha?"

Lira: "Natapos na ang game pero hindi ka pa din nakakarating sa finish line kaya naman hinanap ka naming tatlo nila Clyd. Tapos nakita ka naming natutulog sa ilalim ng puno dun sa lugar na pinagdalhan sa inyo ni Headmaster. Tapos sa tabi mo, nakita namin na may mga pop mushroom kaya naman inisip namin na siguro nakatulog ka dahil don. Nag re-release kasi yung mushroom na iyon ng gas which can make you fall asleep. Mukhang madami kang nahithit kaya ngayon ka lang nagising." gusto ko sanang maniwala sa kanila pero kasi, naiisip ko talaga yung nangyari sa akin. Parang totoo talaga eh.

Napahawak na lang ako sa batok ko ng bigla na naman itong sumakit. Isa lang ang naiisip ko, sigurado akong may kinalaman dito yung lalaking umatake sa akin sa gubat. Kahit na wala akong makitang sugat o galos sa aking katawan, sigurado akong may kinalaman sya dito. Hindi ko na ipinilit pa sa kanila kung ano ang naaalala ko. Sasarilinin ko na lang muna siguro.

Me: "Eh sino pala nanalo sa game?" tanong ko sa kanila.

Xena: "Syempre tayo! Si Ashton yung unang nakarating sa finish line tapos sumunod sa kanya si Justin. Kaya ayun, tuwang tuwa lahat ng clasamates natin."

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon