CHAPTER 19- "RIVALRY"

35.3K 1K 14
                                    

YURI'S POV

@ Dining Hall

Ash: "Aba Yuri, hindi ka ba kakain?"

Me: "Wala akong ganang kumain."

Alex: "Weh? Wag ka ngang sinungaling! Kelan ka pa nawalan ng ganang kumain?"

Me: "Ngayon lang, nung nakita ko mukha mo."

Rin: "Yan ang Yuri na nakilala ko!" at nag apir pa sila ni Ashton.

Grabe din itong si Rin! 2 weeks pa lang ng makilala nya sila Ashton pero close na agad silang lahat. Simula nga ng mapasama sya sa barkada, nagkaroon na ng kakampi si Ashton sa pang aasar kay Alex.

Si Akira naman, hindi na sya gaanong mahiyain lalo na kapag kami lang ang magkakasama. Wala na ding nang bubully sa kanya. Ewan ko ba, simula ng matapos ang misyon namin, nagbago na ang pakikitungo ng mga schoolmates namin sa amin. Like, tuwing dadaan ako sa hallways, lagi nila akong gini greet. Madami ding gustong makipag kaibigan sa akin hindi tulad ng dati. Seriously, kailangan mapahamak muna bago pansinin?

Lira: "What's with the gloomy face ba Yuri? Kanina ko pa napapansin parang wala ka sa mood ah!" naku naman! nag eemote pa ako oh!

Clyd: "Ikain mo lang yan Yuri. Eto oh, nilibre kita." naupo na sya sa bakanteng upuan sa harap ko at inayos na ang pagkain na binili nya para sa akin. Pasta, chocolate cake, pizza at isang bote ng pineapple juice. Mukhang alam na alam na ng mokong na ito ang gusto kong kaini ah!

Kahit wala ako sa mood, pinilit ko pa ding kumain. Aba, sayang din ito noh! Nakakainis kasi! Bakit ako pa pinagtripan nya. Ngayon, naniniwala na ako sa karma.

Me: "Hey guys, ano ba ang dapat gawin para manalo dyan sa contest na iyan?" tanong ko sa kanila habang patuloy pa din ako sa pagkain. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagkatinginan silang lahat at napangiti sa isa't isa.

Akira: "Don't tell us, iyan ang reason kung bakit wala ka sa mood?"

Me: "Obvious ba? Kita mo ngang napipilitan lang akong sumali."

Alex: "Yan ang tinatawag na karma sa pangtitrip mo sa amin! Hahahaha!!!"

Me: "Oo na! Kinakarma na ako! Ano na? Paano kami mananalo?"

Xena: "Hmmm, syempre dapat good looking!"

Good looking? check!✔

Ash: "Dapat popular sa mga students!"

Popular naman ako ah! check!✔

Lira: "Of course may talent!"

May talent ako! check!✔

Alex: "You should have self confidence!"

Aba! Umaapaw yata self confidence ko! check!✔

Lira: "At kailangan....."

Me: "Ano?" sabay subo sa natitirang pizza ko.

Silang lahat: "Dapat meron  kayong CHEMISTRY!!!" bigla naman akong nabulunan pagkarinig ko sa sinabi nilang iyon. Pakiramdam ko nga, gustong lumabas ng pizza sa ilong ko eh!

Me: "T-tubig! Pengeng tu-tubig!" agad naman akong binigyan ni Clyd ng tubig at hinampas hampas ang likod ko. As in hampas talaga na parang lalabas na ang lungs ko.

Xena: "Ok ka lang ba Yuri?"

Me: "Fuck! Alam nyo, ngayon pa lang, sasabihin ko nang talo kami sa contest na iyan!"

Rin: "Paano mo naman nasabi?" uminom muna ulit ako ng tubig at tumayo sa kinauupuan ko.

Me: "Alam nyo, kung pagdating lang naman sa good looks, sure win na kami. Popular naman si Tae at ganon din naman ako. Alam nyo na, sa dami ng away na nasalihan ko, siguradong popular ako, in a bad way nga lang. Pagdating sa talent, magagawan naman yun ng paraan. Self confidence? Syempre makapal naman ang mukha ko. Pero chemistry? My Ghad! Ibang usapan na yun. Paano namin gagawin yun eh makita ko pa nga lang si Tae, naiinis na ako."

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon