CHAPTER 8- "MEET AKIRA"

40.3K 1.1K 2
                                    

LIRA'S POV

Nagulat talaga ako nung nalaman kong si Yuri pala ang dahilan ng pagsabog kanina. Parang ibang Yuri kasi yung nakita namin. Malayong malayo sa Yuri na una naming nakilala. Pero hindi naman siguro nya gagawin yun kung walang dahilan diba?

Kilala ko si Elsy, mahilig talaga syang mag hamon ng away. At ngayon nga, si Yuri ang naging target nya. Akala siguro nya mahina lang si Yuri, e di ano sya ngayon? Hindi hamak na mas napuruhan sya sa naging away nila kanina.

Hanggang ngayon nga usap usapan pa rin ang nangyari. Hindi din nila akalain na magagawa yun ni Yuri. Napapaisip tuloy ako, ano pa kaya ang kayang gawin ni Yuri? Napaka misteryoso kasi nya. Iisipin mo nga na may tinatago syang kapangyarihan kasi magaling syang maki paglaban. Pero wala talaga akong maramdaman na kapangyarihan sa kanya e. Siguro sinanay lang talaga sya ng mabuti kaya ganon? Oo nga! Tama tama!

Alex: "Ui, Lira myloves, malalim yata iniisip mo? Aminin mo na, ako iniisip mo ano?"

Lira: "Sapak you want?"

Alex: "Eto naman di mabiro."

Ash: "Huhulaan ko, iniisip mo yung nangyari kanina kay Yuri tama?"

Lira: "Medyo, kamusta na kaya sya ngayon ano?"

Xena: "Oo nga, kasi si Sir, hindi tayo pinayagang lumabas! Kainis much!"

Ash: "Wag na kayong mag alala sa kanya, kasama nya si Clyd, remember? Hindi nun pababayaan si Yuri."

Lira: "Yun nga ang pinag aalala ko, knowing Clyd, kelan ba sya nagkaroon ng pakialam sa ibang tao?"

Alex: "Aish! Akala nyo lang yun. Basta wag nyo nang problemahin si Yuri."

7pm @ dining hall

Xena: "Nakapatay phone ni Yuri e, di ko macontact."

Lira: "E si Clyd, Ashton?"

Ash: "Nakapatay din phone e. Sabi ko naman diba, wag kayo mag alala."

Nasan na ba kasi sila? Gabing gabi na tapos di man lang maka alalang tumawag.

Alex: "O, tama na daldal! Kumain na muna tayo. Hoy Ashton! Ikaw bibili ng pagkain bukas ha!"

Ash: "Oo na, oo na. Bilisan mo at gutom na gutom na ako."

Hay nako, para talagang aso't pusa pag nag aaway.

10pm @ girls dormitory

Aba! Anong oras na, wala pa din si Yuri! Yari talaga sa akin to pag nagkataon! Ay teka, eto na pala ang luka.

Lira: "Hoy Yuri! alam mo ba kung anong oras na? Uwi pa ba yan ng matinong babae? Alam mo bang alalang alala kami sa iyo!"

Eto namang si Xena, ang hilig maki epal. Kinakausap ko pa si Yuri, hinahatak agad.

Xena: "Naku pabayaan mo yang si tandang Lira. Ano nangyari sa inyo? Dali kwento!"

Lira: "Hoy Xena, nadinig ko yang sinabi mo. Binigyan mo na naman ako ng pet name."

Umupo na lang din ako sa kama ni Xena. Wala naman akong magagawa. Pag nagsama ang dalawang yan, hindi ako manalo nalo.

Yuri: "Bukas ko na sasabihin. 10 pm na oh!"

Xena: "Ehh! Andaya! Ngayon mo na kwento, pleaseee!"

Anak nang,,, nagpa cute pa itong si Xena, e di naman bagay sa kanya.

Yuri: "Errr, sige na nga! Magbibihis lang ako!"

Xena: "Yehey!"

Parehas talaga sila ni Yuri, isip bata. Kaya nag kakasundo e.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon