CHAPTER 37- "LOVE OR HATE (1)"

26.9K 809 27
                                    

YURI's POV

Haist! Sobrang boring! Nakakatamad talaga! Wrong timing naman kasi yang emergency meeting na yan eh. By the way, nandito kami sa dining hall. Wala kaming afternoon class dahil nga sa meeting. And it's only 11:00 am! Shit lang! Matagal tagal ko pang makikita ang mukha ni pokemon.

Buti pa sila nagkakatuwaan samantalang ako, nganga! Sa kabilang dulo ako nakapwesto dahil ayaw kong makita yung mukha nung dalawa. Lalo na yung pokemon na yun na akala yata ay bamboo si Clyd kaya ayaw bitawan.

"Ano nang balak nyo?" tanong ni Ashton maya maya.

"Kain na tayo. Ano sa tingin mo Yuri?" sabi ni Xena na kaharap ko lang.

"Okay lang, gutom na din naman ako."

Tumayo na ako at nagpunta sa counter. Napansin ko ding tumayo yung apat na itlog at si pokemon na hindi maihiwalay kay Clyd. Siguro kung hindi kami magkaaway, sure na libre na lunch ko. Pero wala akong pakialam! May pera naman ako no! Hindi ko kailangan ng libre nya! Isaksak nya yun sa baga nya! Hmmpphh!!!

"Pork chop with 2 rice, choco cake, cheeseburger, pizza tsaka mango shake na giant nga po." sabi ko sa babae sa counter. Nag proceed na ako sa paying station para magbayad. Kaso nga lang, para akong binagsakan ng kawali sa ulo ng hindi ko makapa ang wallet ko. My Ghad! Nakalimutan ko pa yata.

"Ah, wait lang po ate ha." Hala!  Paano na ako? Sanla ko kaya muna cellphone ko?

"Pwede po bang cellphone na lang bayad? iPhone naman po tatak ate. Nakalimutan ko po kasi wallet ko eh." bulong ko sa kanya pero tinuro nya lang yung karatula na 'We only accept cash payment'.

Naku no choice. Gagawin ko ang lahat para makain lahat ng order ko. Kinalabit ko si Rin na katabi ko lang naman sa pila at minostra sa kanya na lumapit sya sa akin.

"Wag kang maingay, pautang ako, nakalimutan ko wallet ko eh. Sige na please!"

"Bakit hindi ka kay Clyd magpalibre?" bulong din nya sa akin.

"Gago ka ba? Nakita mo nang war kami. Nananadya ka yata."

"Ako na nga magpapautang, ako pa gago?"

"Bilis na kasi! Babayaran ko naman sayo eh! Baka madinig pa tayo nila pokemon!"

"Tss! Magkano ba nakuha mo?" tinuro ko naman sa kanya ang pagkain ko at nanlalaki ang mga mata nyang bumaling sa akin.

"Seryoso ka ba? Katumbas na nyan pagkain naming dalawa ni Akira!" peste ka Rin! Sige, ilakas mo pa boses mo!

"Papautangin mo ako o ililibre mo ako?" naniningkit ang mata na tanong ko sa kanya.

"Aish! Bully na nga, buraot pa!"

"Kuripot!" babayaran din pala, nag inarte pa. May maganda din palang naidudulot ang pananakot ko. Binitbit ko na ang tray ko na puno ng pagkain ng mapansin kong naniningkit ang mata ni Clyd na nakatingin sa akin.

Bahala ka sa buhay mo! Tinaasan ko lang sya ng kilay at naglakad na pabalik sa table namin. Chin up, stomach in, chest out! Huhuhu! Hindi talaga ako tinulungan! Tinitiis talaga nya ako! Mas lalong hindi ako magsosorry sa iyo! Ikaw dapat ang lumapit dahil ikaw ang lalaki!

Sa kabutihang palad ay maayos naman kaming nakatapos ng pagkain. Buti na lang talaga napigilan ko ang masuka dahil umay na umay ako sa mukha at boses ni pokemon. Bentang benta sa masa eh! At take note, sya pa nagsusubo ng pagkain kay Clyd pagkatapos ay titingin sa akin at ngingiti ng nakakaloko.

Tignan nyo na! Nasaan ang hustisya? Wag na wag lang po talaga na maiiwan lang kaming dalawa ni pokemon at siguradong makakalbo ko ang kili kili nya! Napakasarap ding dukutin ng mata at isahog sa lugaw!

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon