CHAPYER TWENTY FOUR

Magsimula sa umpisa
                                    





"How's Zeiah?" siya naman ang nagtanong ngayon. I smirked.





Sabi ko na nga ba may gusto siya kay Zei. Nakita ko siyang tumititig kay Zei  pero nag-iwas ng tingin nang makita ako. Kinausap na lang niya si Kimmy the explorer. Mga galawan talaga ni Kuya eh. Halata namang gusto niya si Zei.





"Inis sayo, bro. Ayaw mo raw kasing patulungin," nakangising sagot ko.




He tsked. "Too dangerous. You should keep an eye on her. Pakiramdam ko may gagawin siya."





Nakita kong napangiti siya. Napangiti rin ako. Alam kasi naming dalawa kung gaano katigas ang ulo ni Zei. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti dahil sa isang babae. Well, ngumingiti siya kapag kasama si Luxrine. Akala ko nga may gusto siya sa anak ni Master dati pero sabi niya kapatid lang raw ang turing niya rito.





"Bakit ako? Ba't hindi na lang ikaw?" tanong ko. Kilala ko si Kuya. Kapag may parehas kaming gusto, ipapaubaya na lang niya sa akin.





"You like her, right?" he asked then gulped his beer.





"You like her too, right?" tanong ko pabalik. Natigilan siya at humigpit ang hawak sa can ng beer.





"Kuya, hindi mo kailangang ipaubaya lahat sa akin. Naging mabuti ka nang Kuya sa akin, sobra-sobra pa nga eh. Ikaw na ang the best brother sa buong mundo. I like her, Kuya pero mahal kita. I want you to be happy," sabi ko at tinapik ang balikat niya. Hindi naman siya sumagot at uminom lang ulit nang beer. Grabe, ang drama nung pinagsasabi ko tapos no comment man lang? Hays.





Alam ko naman na sinisisi ni Kuya ang sarili niya sa pagkamatay ni Kuya Luxer kaya sa akin siya bumabawi. Sobra-sobra na ang ginawa niya para sa akin. Panahon naman para ako ang may gawin para sa kaniya, at alam ko, kung nasaan man si Kuya Luxer ngayon. Gugustuhin din niyang maging masaya si Kuya.





Umalis na rin ako roon nang maubos ko ang limang can ng beer. Si Kuya, may inasikaso na rin. Naglakad-lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa Meteor Garden. Nakita ko ang isang sobrang cute na babae habang kinakausap ang kuneho. Wala sa sariling napangiti ako.






"Anong sabi ng kuneho, Lorainia?" humarap sa akin si Lorainia at biglang umalis ang kuneho.





"Wala naman. Nagkwentuhan lang kami," sabi niya at matamis na ngumiti aa akin. Napakalambing ng boses niya talaga kahit kahit kailan.




Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Nakahati ang buhok niya sa gitna at naka-french braid kaya mas lalo siyang nagmukhang bata. Baby face kasi siya kaya ang nacu-cute-an ako sa kaniya. Siya ang crush ko habang nasa Switzerland, doon din kasi siya lumaki.




Napalunok ako nang makitang may pumulupot na ahas sa kaniya. Medyo nawe-weirdohan nga lang ako sa kaniya minsan. Palagi kasi siyang nakikipag-usap sa mga hayop. Pero cute pa rin naman. Katulad ngayon na natatawa siya sa ahas na nasa leeg niya.




Isa kasi siyang anipires, kayang macontrol at makipag-usap sa mga hayop. Yung apartment nga niya punong-puno nang mga alagang hayop. Kakaiba talaga.




"Bruno, siya nga pala si Luxrill. Kaibigan ko," sabi niya at inilapit sa akin ang ulo ng ahas kaya napaatras ako.



Shet. Hindi naman ako takot sa ahas. Talagang ang pangit lang nung mukha ng ahas at nakakatakot. Tiningnan ko ito habang lumalabas-labas ang dila nito.




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon