CHAPYER TWENTY FOUR

Beginne am Anfang
                                    

Kainis! Bakit ba ayaw nila akong patulungin? Gusto ba nila tumunganga lang ako dito? Ayoko nang gano'n no! Marami nang nawala sa akin. Ayoko nang madagdagan pa.



May narinig akong tawa na masakit sa tainga kaya napalingon ako sa pinanggalingan noon. Parang may pumiga sa puso ko nang makita ko si King at Kimmy. Tawang-tawa si Kimmy habang si King ay pilit ang ngiti.






Napaiwas ako nang tingin nang nay bigla akong naisip. Para kasing bagay silang dalawa, parehas silang bampira habang isang mortal lang ako. Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko pero may kung anong pumipigil sa akin. Pwede bang magkatuluyan ang mortal at immortal katulad nang mga nasa palabas?





"Gusto mo talaga si Kuya 'no?" biglang tanong ni Luxrill. Bigla kong nakalimutan na kasama ko nga pala siya.




"Halata ba?" Napangiwi ako.



"Halata lalo na kita ko ang inggit at selos sa mga mata mo," malungkot siyang ngumiti sa akin. Tsaka ko lang naalala na may nararamdaman nga pala siya sa akin. Bigla tuloy ako na-guilty.



"Sorry," sabi ko at napayuko. Kahit naman hindi ko siya gusto katulad nang pagkagusto niya sa akin. Kaibigan ko pa rin naman siya kaya ayoko siyang masaktan.



Ginulo niya ang buhok ko.



"Hindi mo kailangan mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan at isa pa. Gusto ko ring sumaya si Kuya." Ngumiti siya sa akin habang ako ay naguguluhan sa sinasabi niya. Parang masaya naman ang kuya niya ah?



"Sige na, Zei. Kailangan ko nang umalis. Ayan na si Law oh." Tinuro niya ang direction kung nasaan si Law bago umalis. Kumaway na lang ako sa kaniya bago nilapitan si Law na parang wala sa sarili.



LUXRILL

"Where's your necklace?" tanong ni Kuya pagkaupo ko sa sofa niya. Nandito ako sa office ni Kuya. Nakatingin siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.




"Nawala eh," simpleng sagot ko lang. Nawala noong nakipaglaban kami sa mga werewolves. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko na nakita. 





Kumunot ang noo niya at parang may malalim na iniisip.






"Huwag kang mag-alala, Kuya. Hindi naman ako mapapahamak," sabi ko.





Ang kwintas na 'yon ay bigay sa amin ni Daddy noong mga bata kami. Tatlo iyon, para kay Kuya Luxrae, Kuya Luxer at sa akin. Para kapag nasa pahamak kami ay alam ng isa't isa. Ganoon kami ka-close noong mga bata kami. Sa kasamaang palad, namatay si Kuya Luxer. Wala rin akong masyadong ala-ala sa kaniya dahil three years old pa lang ako nang mangyari iyon.





"How's Luxrine, Kuya?" pag-iiba ko nang usapan. Si Luxrine ang anak ni Master Vhax pero para ko na rin siyang nakababatang kapatid. Tatlong araw na siya ngayon sa penitentiary.





"She'll be fine," sabi lang niya kaya hindi na ako nagtanong. Alam ko ang pakiramdam kapag nakainom ng dugo ng tao. Nakakabaliw.





Tumayo si Kuya at may kinuha sa miniref niya. Kumuha siya ng dalawang can ng beer at inihagis sa akin ang isa na sinalo ko naman, pabagsak siyang umupo sa tabi ko.

Vampire AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt