Epilogue

10.8K 271 34
                                    

Epilogue

"Sir.."

"Mamaya!" Sigaw ko. Tumungo iyong secretary ni Dad bago lumabas.

Sinandal ko ang sarili ko sa swivel chair at pumikit. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Gustong gusto ko itong Food Corp, but how can I please my Dad?

Tumayo ako at dinampot ang wallet at cellphone ko. Tumawid ako sa kabilang kalye at naglakad lakad. Nag iisip ako. Hindi naman fail iyong report ko pero pakiramdam ko, hindi pasado kay Dad.

All my life, I wanted to be like Ramgiorel pero hindi ko gusto maging doctor. Walang naging problema sa kanya na ibigay sakin ang pagpasa sa Food Corp dahil una palang gusto nyang maging doctor talaga.

Sa kakalakad ko, nakarating ako sa Lausingco Hotels. May malapit lang naman na coffee shop sa opisina pero dito ko pa napiling bumili.

Strawberry waved at me when she saw me. I salute at her. Lumiko ako para pumasok sa maliit na coffee shop sa gilid ng hall room.

I took a quick scanned inside and my eyes stopped when I saw a petite lady who's patiently waiting at the counter. Tumikhim ako saglit at lumakad.

"Magandang gabi, Sir Pio." I nodded.

"Tall expresso."

"For deliver po?"

"Hihintayin ko na." Naglabas ako ng pera at inabot doon sa cashier.

Kita ko sa gilid ko ang paninitig nitong babae sa akin but I choose to ignore it. Sanay na akong tinitignan ng mga babae.

Gumilid ako sa may tabi nya para sa order ko.

"Ma'am?" Tawag nung barista. "Here's your expresso po."

"Ah," she said. Nataranta sya sa pagkuha noong order nya kaya unexpected, natapakan nya ako.

I had to stop myself from cursing hard. Tumusok iyong dulo ng takong nya sa paa ko, hindi pa naman ako naka-sapatos ngayon. Man, masakit ah.

"Oh my god, I'm so sorry po." She nerviously said.

Nilingon ko sya, panic is evident on her eyes now. Yumuko sya at sinubukang tignan ang paa ko pero nilayo ko agad iyon.

"Okay na." I firmly said.

She grabbed her order and slightly bowed her head, "Sorry talaga."

Walang lingon na iniwan nya ako doon. Kumurap ako at tinitigan sya.

"Sir, okay lang po iyang paa nyo?"

"Okay lang. Salamat." Tinanggap ko na iyong order ko at lumabas sa coffee booth.

Dadaan muna ako kay Earl para magtanong ng tips bago ako bumalik sa opisina. Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa papasaradong pinto ng elevator.

I saw the petite lady inside the elevator. Halata ang gulat sa kanya ng makita nya akong pumasok sa loob. Can't help but to scanned her whole body. Petite, round face with her pointed nose and a catchy lips. Hanggang tenga ko ang tangkad nya.

"Magandang gabi, Sir Pio." Bati noong bellboy at pinindot ang floor ni Earl.

Saglit kaming nagkatitigan noong babae, may kung anong kakaibang hatak iyong mga mata nya. She smiled afterwards. Tinanguhan ko iyong bellboy at sumimsim sa kape ko.

The elevator door opened again. May pumasok na mga tao. Umusog ako dahilan para magbangga ang mga siko namin. Napaayos ako ng tayo dahil sa kung anong kuryenteng dumaloy sa akin.

Ilang saglit pa ay nasiko naman nya ako.

"Sorry." Mabilis nyang sabi at hinawakan pa ang tagiliran ko.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now