Chapter Eight

7K 167 17
                                    

Chapter Eight

"Sir, you're bleeding.." mahina kong sabi at hinawakan iyon.

"I'm fine. Ayos ka lang ba?" He almost whispered it.

"My godness, Piolo! Dumudugo iyang batok mo!" Hesterical na sabi ni Mrs. Lausingco.

Kumawala ako mula sa pagkakayakap nya sa akin. Nang makatayo sya ay agad ding napahawak sa akin dala siguro ng pagkahilo.

"Call ambulance please." Utos ni Sir Lausingco.

Atubiling lumapit si Ron sa telepono para tumawag. Nakita ko ang worry sa mukha ni Matilda nang magtama ang mata namin.

"Pio,"

"Ma, ayos lang ako. Nahihilo lang po."

"Huwag kang pipikit po, Sir. Kailangan po gising kayo baka po kung anong mangyari." Hindi ko na napigilang sabihin.

"She's right, Hijo. Keep sane." Tango ni Mrs. Lausingco.

Humigpit ang hawak ni Sir Pio sa kamay ko at pumikit, siguro ay iniinda nya iyong likod nya. Hindi biro ang mga sinangga nyang mga kaldero.

"Pasensya na po."

Dahil sa sinabi ko ay mabilis na nagmulat si Sir Pio at hinanap ang mata ko.

"Don't. Walang may kasalanan."

"Excuse po, alam ko ang first aid." Singit ni Matilda.

She instructed Sir Pio to sit first. May mga gamit na inabot si Ma'am Aina kay Matmat. Tumayo ako sa gilid habang nakamasid lang sa kanya. Hanggang ngayon, malakas pa din iyong tibok ng puso ko.

Paano kung hindi sinangga ni Sir Pio ang mga kaldero? Hindi ko na alam kung anong magiging itsura ko.

At dahil titig ako kay Sir Pio, halos magulat ako nang masalubong ko na naman ang malalalim nyang mata. He's staring at me, kaya umiwas ako ng tingin.

"Sir, nandyan na po iyong ambulansya."

"Okay," Sir Lausingco said. "Pio anak, halika na. Mas maiging dalhin ka na sa hospital."

"I'm fine."

"Sir, sumunod nalang po kayo. Hindi naman po siguradong napatigil ko ang pagdudugo." Si Matilda. Sinenyasan ko syang tumahimik nalang.

Rinig ko ang ginawang paumanhin ni Ma'am Aina sa mga customer na naistorbo dahil sa nangyari.

"Sigurado bang ayos ka lang?" Makailang ulit na tinanong ni Matilda sa akin iyon nang magbreak kami.

"Oo nga."

"You know what, I'm thankful for Sir Pio. Kasi kung hindi, baka nahimatay na si Nana Lita dahil nabagsakan ka ng mga kaldero."

"I should say my thank you right?"

"You should."

Habang nagtatrabaho, buo naman na ang desisyon kong magthank you kay Sir Pio dahil sa ginawa nya.

Kinabukasan, dumiretso ako sa opisina ni Sir Pio pagkapasok ko.

"Yes, Tinay?"

"Ay Ma'am Aina, si Sir Pio po?"

"Hindi muna sya pinapasok ni Tita Libby. May problema ba? Pwede mong sabihin muna sa akin. We'll fix it."

"Hindi po. Ano kasi, gusto ko lang po sana mag thank you doon sa nangyari kahapon at humingi din ng pasensya." Itinaas ko iyong paper bag na dala ko. "Konting thank you gift lang po sana."

"Alright, mabuti pa. Ikaw na din mag abot nitong pinadala ng company noong mga furniture." Tumayo sya at nilapitan ang box doon. "Fruits and such. Pwede bang ipakisuyo ko nalang sayo? Hindi ko kasi maiwan ang restaurant ngayon."

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora