Chapter Nine

7.3K 143 14
                                    

Chapter Nine

"Oh, bakit naman pinauwi mo na si Lien? She seems really worried." I saw Sir Ramgiorel smirked nang pumasok sa dinning si Sir Pio.

"We're done. Kailangan na nyang umalis at baka hindi ko matiis ang pagiging brat nya."

"Hayaan nyo na nga yun. Kumain na tayo." Vexy said. "Huwag kang mahihiya, Tinay ha. Kain lang."

I just nodded. Tahimik kami sa harap ng pagkain. Kung miminsan ay mag uusap si Sir Ramgiorel at Vexy. Ibinigay ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.

When we're done, I immediately bid my goodbye. Ayoko namang matambakan ng trabaho at nakakahiya din.

"Thank you uli,"

"You're leaving na talaga? Hatid ka na namin." Si Vexy.

"Ako na. You two stay here."

"Injured ka bro. Gusto mo bang maghesterikal si Mama once na malamang lumabas ka? Kami na ni Vexy maghahatid sa kanya. You stay here." Sabi naman ni Sir Ramgiorel. "I'll get my keys. Wait."

Iniwas ko ang tingin ko kay Sir Pio. But I heard Vexy teased him.

"Asus. Tampo ka na? Don't worry, ihahatid namin ng safe si Tinay."

"Okay. Ingat kayo." Hinarap nya ako. Napaayos naman ako ng tayo. "Tinay, papasok na ako bukas. Pakisabi kay Aina."

"Sige po, Sir."

Tumango sya at naglakad na paakyat sa hagdan. Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya ng kalabitin ako ni Vexy.

"Doon na tayo sa labas."

Tahimik na sumunod ako sa kanya. She stopped and faced me, I swallowed.

"Tinay, pwede magtanong?"

"Po?"

"Hindi ka ba nasusungitan kay Piolo or ano?"

"Hindi po. Mabait naman po si Sir."

Sunod sunod ang naging pagtango nya.

"Okay. But can I asked favor?"

"B-basta po kaya ko."

"Posed ka for my painting. Kasi I love your posture. Ganda eh. Okay lang?"

"Nagpepainting po kayo?"

"Yup! I'm an artist. So?"

Namula iyong magkabila kong pisngi. Naalala ko tuloy noong pininta din kami nina Pa'pa. Sobrang nahihiya ako noon at ang hirap pa kasi makailang beses ako pinagalitan ni Ma'ma dahil panay ang galaw ko. And now, everytime I looked at our painting, I find it so awkward.

"Dali na."

"P-pag iisipan ko po muna."

"Huwag mong pilitin kung ayaw, Vexy. Nakakahiya doon sa tao."

Sabay kaming napalingon sa terrace when we heard Sir Pio's voice.

"Hindi mo pa kasi ako pinagbibigyan kaya ibang tao nalang."

"Bakit hindi si Ram?"

"Sawa na ko sa kanya." Hinarap nya ang front door. "Right beb?"

"Ang alin?"

"I asked Tinay kung pwede syang magpose sa painting ko. Since ayaw ni Pio at sawa na ko sayo." She even chuckled. "Kaso ang kontrabida ni Pio. Epekto ba nung pagkakatama ng kaldero yan sayo?"

Sir Pio just made a face na lalong kinatawa ni Vexy. Pinisil ni Sir Ramgiorel ang pisngi nya bago hinila ang baywang.

"Tara na para abot pa sa half day si Tinay." Tinaas nya ang isang kamay. "Bro. We'll go. May ipapabili ka?"

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now