Chapter Twenty Six

6.4K 156 21
                                    

Chapter Twenty Six

I gasped hard as our eyes met. Tinaasan nya ako ng kilay.

"S-sir.."

Tumalikod sya at naglakad. Mabilis naman akong sumunod sa kanya.

"S-sir pasensya na po. N-nagka-emergency kasi. Sorry."

He stopped walking and face me. Napaayos ako ng tayo.

"Biglaan po k-kasing emergency. Sorry po."

"You could've just text me. Nag alala ako na baka kung anong nangyari sayo."

I blinked multiple times. "I'm sorry, Sir. Babawi po ako. Pwede pa po tayong magdate diba?"

"The restaurants are already closed."

I nodded and bit my lips. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa pinagdaanan ko.

"Are you okay?"

"O-opo.."

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa condo unit nya. I was speechless, nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak.

He opened the door and made me sit on the sofa.

"I'll cook, since sarado na ang mga restaurant. Let me cook for you." Sinulyapan nya ako. "Hungry already?"

I shook my head. "I can wait po."

"Sure?" I nodded repeatedly. "Okay, I'll make it quick."

Pumunta sya sa kusina. Umayos ako ng upo dito sa sofa at sinilip ang paa ko. It's aching, probbably because I run earlier. I sighed. For sure, Edgardo is so furious right now! And I don't care.

Tumunog iyong phone na nasa side table. I took a peek and saw JM calling...

"Sir, your phone's ringing."

"Pwede paabot?"

I grabbed the phone and walk towards the kitchen. Kaso bago ko maiabot sa kanya ay nawala na ang tawag. Nilapag niya iyon sa gilid.

"Tss, tatawag tapos papatayin." He murmured. "Palibhasa ang taas ng pride."

"Uh.." I awkwardly looked away when he faced me.

"Sorry, it's my cousin."

I nodded and smiled. Sinilip ko ang ginagawa nya and I have no idea what food is that.

"Kare-kare, masarap to."

Umiling ako sa kanya.

"Adobo and tinola lang ang kilala ko." Sagot ko.

"Good, pareho kayo ni Vexy. Gusto ang tinola."

"Close na close po kayo?"

"At first hindi, masyado kasing mabait para kay Ramgiorel. Well, my brother is somewhat asshole with a bit of kindness. Halos lahat kami ng mga pinsan ko, sabi nila nakadikit na daw sa amin ang asshole."

Natawa sya at pinagpatuloy ang paghahalo.

"San ka pupunta kanina noong nakasalubong kita sa elevator?" I carefully asked.

"Coffee shop. Since tinatamad akong magluto nito kanina, bibili nalang sana ako ng kape kaso nakita kita."

I bit my lower lip. "Sir, sorry talaga."

Sinulyapan nya ako. "It's okay, Tinay. No big deal."

I help him arranged the table. Natawa pa sya at binawalan ako.

"Ano pong pakiramdam ng may kapatid kang kasundo mo?" Tanong ko nang magsimula na kaming kumain.

"Why? Hindi ba kayo magkasundo ng kapatid mo?"

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora