Chapter Twenty Two

6.6K 154 21
                                    

Chapter Twenty Two

"Ayan, okay na yan." Matilda happily said.

I shoot her death glare, paano pinilit akong suotin iyong red stripes off shoulder at maong shorts. Nagsisisi nga akong dinala ko pa tong off shoulder na to.

"Okay, remove this. Para kulot."

Walang sabi niyang hinila ang inip at ginulo ang braided hair ko into a beach waves.

I rolled my eyes on her and put some cheek tint and lip tint and some poweder.

Nagpaalam kami kay Nana Lita at sinabihan na sumunod doon mamaya. Tumango lang sya.

Agad na kumaway si Matilda doon sa kanila.

"Ipapasundo ko palang sana kayo kay Pio." Salubong ni Emsi sa amin.

"It's okay, gusto din naman namin maglakad." Si Matilda.

Sumunod ako sa kanila. Vexy smiled at me and tapped again her side. Nagsisimula na sila ng light beer.

"Anyway, your painting is blockbuster pero hindi ko binebenta iyon. Some says, you are beautiful. Syempre, magaling ang pintor eh." Inabutan nya ako ng beer. "But your eyes,"

"Nagsusuot lang po ako ng lens kasi ang catchy ng mata ko."

"Oh! ayaw mo ng too much attention." She nodded repeatedly.

Well, it's true, I don't want too much attention. Buti hindi na din nagtanong pa si Vexy nang kung ano.

Madaming nakahain na pagkain sa lamesa, at pinagmamalaki nilang si Sir Pio ang nagluto noon lahat.

"Mama.." all of us look at the cottage door.

Standing there is Zk while rubbing his sleepy eyes and pouting.

Mabilis tumayo si Ej at nilapag ang boteng hawak, sumunod na tumayo si Sinag pero hinila sya ni Strawberry paupo uli.

"Hayaan mo na si Ej dun."

Nilingon ko uli iyon at kitang buhat na ni Ej pabalik sa table si Zk. I can't help smiling at Zk but he's a bit grumpy.

"What do you want, huh?" I heard Zild asked Zk but Zk just shook his head.

"Mamaya na at bagong gising pa," sabi ni Sinag na hinaplos ang buhok ng anak.

"But you still choose to work even if you have a degree naman pala?" Si Emsi,

"Gusto ko ma-experience ang ordinaryong buhay na ginagawa ng mga tao. Tyaka degree lang iyon, I didn't take it a big deal." Matilda calmly said.

Tahimik lang ako na iniinom ang alak ni binigay nila. I am also eating those foods, hindi ko kilala iyong iba pero mukhang masarap naman.

Napuno ng kwentuhan ang buong table, Matilda is enjoying it. Nakikisali sya and seems like she really knows how to socialize. Sumasagot din naman ako kapag tinatanong nila.

"Wait, may tanong pala ako. Since, kilalang mayaman kayo. Big deal kung hindi mayaman ang maging girlfriend/boyfriend nyo?" Matilda asked.

I can sense that she's drunk already. Based from her cheeks.

Si Sir Ramgiorel ang unang sumagot, "Basically, no. In the first place we can provide for them. Hindi naman kailangang mayaman or may angat sa buhay, simple as that you just need to be yourself."

"Si Pio, ayaw ng mayaman. Pero lahat ng naging ex mayayaman at kilalang apelyido." Strawberry pointed at Sir Pio.

"At ang kinalabasan? Spoiled brat lahat." Sinundan ni JM ng tawa iyon.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now