Chapter Nineteen

6.4K 139 11
                                    

Chapter Nineteen

Maganda ang kinalabasan ng painting ni Vexy sa akin. Pinatuyo nya lang iyon at iniwan namin sa art room. She offered me to join her eat the food. Hindi na ako tumanggi kasi nga hindi ako makatanggi at sobrang bait nya.

The following days went the same. Wala uli si Sir Pio sa restaurant at busy sa Food Corp nila. Buti naman.

"Uy nakita nyo na?" Tanong agad ni Sarah sa amin.

"Alin?" Kuya Raven asked.

"Iyong kumakalat na picture sa internet. Si Laureen Ann at Sir Pio. Ilang beses daw silang nakita sa labas at palaging magkasama." Pagkukwento nya.

"Ay oo. Tyaka iyong nakita daw na nasa isang mamahaling restaurant sina Laureen with her Family na kasama si Sir Pio." Kinikilig na dagdag ni Maricar.

"Baka meet the parents na. Hala, kakilig." Sabi pa ni Karen.

"Si Sir, pa-showbiz din no? Type pala si Laureen." Si Normi naman.

Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis ng mga tray habang naguusap sila tungkol kay Sir Pio. Alam ko na iyon, sa busy ba naman ni Matilda sa cellphone nya, sya pa unang nakakita noon at kinuwento sakin.

I just shrugged my shoulders. Siguro ay hindi naman talaga nya binigdeal iyong halik. Kaya dapat, hindi ko nalang din gawing big deal. Normal lang daw ang ganun dito at Pilipinas to.

"Hija, hinahanap mo pa din ba si Justin Reyes?" Tanong ni Nana Lita.

"Ah opo, Nana. May kailangan kasi ako sa kanya."

Mariin akong tinitigan ni Nana Lita, na para bang alam na nya iyong kailangan ko kay Justin.

"Hindi iyon papayag na pumalit sayo. Unang una dahil hindi sya anak ng Ma'ma mo. Sya ay anak ng Pa'pa mo sa pagkabinata nito," she sighed. "Hindi ko alam kung dapat bang sinabi ko ito sayo."

"But maybe he can help me. Gusto ko sanang si Julian nalang kaso masyado pa syang bata, madaming taon pa ang aantayin ko."

"Bakit nga ba kasi ayaw mong maging Duchess heir?"

Umiwas ako ng tingin, "Nana Lita, ayaw ko. Duchess is complicated, dapat may asawa ka para kasama mo. Ayaw ko ng asawa, I've explained it but seems like they didn't hear my thought! Gusto ko lang maging ordinaryong tao, tulad ng mga tao dito. Iyong nagagawa nila ang gusto nila without bodyguards and such! Can date everyone they want, hindi iyong dahil utos ng parents nila. I just hate it."

"Ako nalang kasi ipalit mo jan sa posisyon mo." Singit ni Matilda.

"You think that's easy?"

"Hindi pero pwede nating gawan ng paraan."

I made a face. Once in my life, I asked myself... why me? I don't want to be a Duchess.

Pinuntahan ko si Justin Reyes sa opisina nya kinabukasan. Kinakabahan ako habang nasa elevator ako.

"Hi. Is Justin Reyes inside?" Tanong ko doon sa secretary.

"Yes po. May appointment po ba kayo?"

"Ako si Justine Mae Palciso."

She look at her tablet and nodded.

"Tawag ko lang po sa kanya."

I waited and after a seconds, tinuro na noong babae iyong pinto. Tumango ako sa kanya at pumasok na doon.

Nakataas iyong kilay ni Justin Reyes sa akin noong makapasok ako.

"Who are you? And what do you want?"

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now