Chapter Four

8.5K 184 8
                                    

Chapter Four

Piolo Lausingco, son of Danilo and Libby Lausingco. 26 years old. HRM at graduate sa Ateneo. COO of Lausingco Food Corp. And owns a restaurant.

So, he's related to Lausingco Hotels. At base sa nababasa ko ngayon, kilalang pangalan ang Lausingco dito sa Asia. And that explains why he's filthy rich. Saglit lang. I shouldn't be involving myself to him, baka mamaya kilala ni Pa'pa ang mga Lausingco.

Kaya kinabukasan, tinanong ko kay Nana Lita kung kilala nya ba ang Lausingco. Ang daming naging sagot ni Nana Lita, at parang sobrang kilala nga talaga ang Lausingco. Kundi ko pa sinabing malelate na ako sa trabaho ay hindi nya pa puputulin ang pagkukwento nya tungkol sa mga Lausingco.

"Tahimik mo ah." I was shocked when Matilda poked my shoulders.

"I was thinking of something."

"Something ba talaga o someone? Hmm.."

"Mat!" She laughed at my reaction. "This is serious."

"Tungkol saan ba?"

I took a deep sighed and looked at the view infront of me now. Puro sasakyan ang nakikita ko.

"About Lausingco's."

"Aha!" Matmat once again poked my shoulder. "Nang-istalk ka ano? Kunyari pang hindi nagagwapuhan dun."

"Ha?"

"Sabi ko nang-istalk."

"Ah." Tumango ako. "No. It's not about that. It's about their name. Mat, kilala sila sa buong asia. What if Pa'pa knows them? I will be dead."

"Mukhang hindi naman."

"How can you say so?"

"Hindi naman talagang gaanong kilala ang Lausingco. Oo nga't sikat sila dito sa Pilipinas at sa Asya pero kumpara sa apelyido mong Palciso, average lang sila. Kaya huwag kang mag alala dahil alam mo naman ang Pa'pa mo, hindi basta basta pumapansin ng mga tao. Sa Europe lang sya may pakialam."

"Paano kung usisain nya?"

She tapped my cheek lightly. "Don't worry, parehong snob ang parents mo. Stop worrying about that."

"Resign na kaya ako?"

Tinaasan nya ako ng kilay. "Yun ang huwag mong gagawin."

"But Sir Pio is Lausingco, Matmat!"

"Huwag mo nalang masyadong idikit ang sarili mo sa kanya. At isa pa, you're Tinay Fenty not Justine Mae Palciso, okay?"

After nang short break namin ni Matilda ay balik trabaho na kami. Tulad nga ng sabi nya, I made distance. Kahit naman iba ang itsura ko, nag iingat lang talaga ako.

My days went like that, mukhang wala namang pakialam si Sir Pio sa akin and good to hear that.

"Ano ba yan, ang tagal bg order ko! Kanina pa yun ah, tapos makikita kong uunahin mo pa yung bagong dating?" Pagpipigil sa akin nung babaeng nadaanan ko sa table. "Tanga ka ba?"

"Sorry po, Ma'am." tumikhim ako para maalalang hindi dapat ako mag english, jusko Justine. "Iseserve ko nalang po agad."

"Aba dapat lang! Kanina pa ako dito, kundi ka ba naman boba."

Yumuko ako at kukunin na sana yung order kaya lang ay nakita kong may naglapag nung tray sa table nitong babae.

"Sorry for the inconvinience but it's not good to hear you talking shit to my employee. Madaming tao ngayon kaya baka nalingat lang si Tinay sa order nyo. But please don't call her boba or something." It was Sir Pio. Tumikhim pa sya.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now