Prologue

16.5K 264 9
                                    

Prologue

I am smirking wide as I landed my foot in the street of Manila. Finally, nakawala na din sa hawla ng mga magulang ko.

My phone rang. Umirap ako at walang ano ano na tinapakan iyon.

Hindi pa ako nag iisang araw wala sa bahay, nagtatawag na lahat ng mga connections ni Pa'pa.

"Teka, ano nga uli iyong address ni Nana Lita?"

Hinalungkat ko iyong bag ko at napangiti nang makita ko iyong papel kung saan nakasulat iyong address. Tumayo ako malapit sa mga basurahan. I took off my earings and necklace. Shinoot ko iyon doon pati iyong jacket ko. Kaso mabilis ko ding hinalukay iyong hikaw at kwintas. Pwede ko daw ito isanla, narinig ko kaninang sabi nung katabi ko kanina sa eroplano.

Sa ngayon, kailangan ko munang mahanap si Nana Lita para maitanong ko kung alam nya ba kung saan nakatira si Justin Reyes. My asshole brother.

I stood there in the middle of the busy day of Manila. Nana Lita once said that Manila is really busy. Busier than London.

Sa kakalakad ko ay napatapat ako sa isang salamin. Halos magulat pa nga ako na asul nga pala iyong kulay ng mata ko, at sa tingin ko kaya kanina pa din panay na tumititig sakin kasi hindi at ordinaryo sa bansa na to ang gantong mata.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at chineck ang laman ng wallet ko. Sapat lang naman iyong pera ko, but my cards, I'm sure na putol na lahat ng ito bago pa man lumanding ang erpolano sa Pilipinas.

I stretch my arms to catch the attention of that taxi driver.

"Yes Ma'am?"

"Kuya, alam nyo po kung saan itong lugar na to?"

Kita ko ang saglit na pagkakagulat ni Kuyang driver. Siguro akala nya pure foriegner ako pero fluent mag tagalog.

"Ma'am malapit lang po ito, sakay lang po kayo ng Mrt."

"Hindi mo ba ako pwedeng dalhin doon? Magbabayad ako kahit magkano." Pinagsalikop ko pa ang palad ko.

Kumamot muna si Kuya bago tumango. Saglit akong nagdiwang bago sumakay. Sabi ni Pa'pa, delikado daw sumakay mag isa sa mga public transportation ngayon, pero nawala sa isipan ko iyon at aliw na pinanuod ang paligid. Matatayog na buildings ang nakikita ko.

Fifteen minutes nang huminto kami sa isang eskinita doon. Nagsecond look ako at napangiwi.

"Ma'am, nandito na po tayo."

"Ito na yun, Kuya?"

"Opo Ma'am."

Tumango ako at kumuha ng limang daan sa wallet ko at inabot kay Kuya. Mabilis akong bumaba ng taxi at binalewala na iyong pagtawag sakin nung driver.

Ngumiti ako sa mga batang naglalaro don.

"Excuse me po." Habol ko doon sa isang babaeng matanda.

"No english, sorry."

I chuckled "Nagtatagalog po ako. Itatanong ko lang po kung kilala nyo si Carlita Estobal?"

"Carlita?

"Yes po. Pwede nyo po ba akong samahan sa bahay nya."

"Ah si Lita. Ah, oo, halika ineng, sundan mo ko."

My smirked widen. Finally, may kilala na ako dito sa bansang to.

Pinagpawisan ako sa paglalakad namin noong babae. Kapagkuwan ay huminto kami sa isang saradong bahay doon.

"Dito na iyong bahay ni Lita. Kumatok ka nalang kasi kailangan ko ng umalis."

"Thank you very much po."

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ