Chapter Six

7.6K 164 9
                                    

Chapter Six

"Ansabe nang pagkukwentuhan nila kanina." Pagpaparinig ni Matilda sa akin.

"Wala yun. Konting usap lang."

"Akala ko ba lalayuan mo kasi Lausingco? Di mo din matiis no."

"Matilda please!"

"Ito naman, biniro lang."

Stress ako kasi hindi ko ma-contact si Nana Lita. Sabi nya kasi next week pa uwi nya. Na-extend nang na-extend kasi dahil mas kailangan sya doon. Pero sana next week makauwi na talaga sya.

"Hayaan mo na muna si Nana Lita."

"Matmat, I need her okay. We need her."

"Kaya naman natin ah."

I sighed. Kaya nga namin pero mas maayos sana kung nandito si Nana Lita. Pareho kaming hindi marunog maglaba, kung panay kaming magpapalaundry, baka maubos ang budget namin. Bakit kasi pagluluto lang kaya ni Mat.

"Magpractice ka nang maglaba, Tinay." May pang aasar sa tono nya.

Inirapan ko nalang sya at dinampot ang towel ko para makaligo na. Umikot na uli ang shifting ng schedule namin. Nakaligo na si Matilda at nag aayos na.

"Miss, una na ako. Kaya mo na bang bumiyahe mag isa?" Katok ni Mat sa pinto.

"Sige na. Ingat."

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kwarto. Mabilis ang bawat kilos ko, ipinuyod ko iyong mabasa basa ko pang buhok at kinuha na iyong bag ko. Kundi pa ako haharap sa salamin ay makakalimutan ko pang hindi ko pa nalalagay iyong contact lens ko.

"Shit, Justine. You almost forgot!"

May ingat kong nilagay iyong brown contact lens ko. Nang masiguro kong ayos na iyon ay lumabas na ako ng bahay. I almost make sure that I locked the door.

Lakad takbo na iyong ginawa ko at pumara ng jeep. I'm used to it. Sa inaraw araw kong gawain to, nakasanayan ko na din naman.

I'm on time. Nilaanan ko lang ng 15 minutes ang sarili ko para mag ayos sa locker bago lumabas. I smiled to myself.

Another day, another work.

Hours passed, madami daming tao. Well araw araw din naman talagang dinadayo tong restaurant, pricey pero sulit ang mga nasa menu.

"Enjoy eating po." Ngiti ko sa isang mag anak.

Umurong ako at niyakap ang tray. Pagpihit ko ay syang pagpasok ng isang babaeng chubby. She's wearing a simple grey tshirt with leggings. May dala dala syang paper bag at ang ganda lang ng aura ng mukha nya.

"Hi, nandito ba si Pio?"

I blinked. Ako ba yung tinanong nya?

"Excuse me po.."

"Ah, sorry Ma'am. Ano po iyon? Table?"

She shook her head. "Nandito ba si Pio?"

Saglit ko syang pinasadahan ng tingin. Sino naman kaya to?

"Nasa office po nya." Bothered ako dun sa maganda nyang ngiti. "Tatawagin ko po ba?"

"Ah, huwag na. Puntahan ko nalang sya."

"Vexy..." We both heard the baritone voice of Sir Pio behind me.

Mas lalong lumawak ang ngiti nitong babae. Nagawa nya pang ikaway iyong kamay nya kay Sir Pio.

"Hi."

"What brought you here? Mag isa ka lang?"

Lumayo ako dahil sa tingin ko ay kailangan nila ng privacy.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now