Chapter Three

9.7K 203 8
                                    

Chapter Three

"Bilib na talaga ako sayo, Miss Justine. Alang alang sa gusto mong buhay, natitiis mong tumira sa ganitong simpleng bahay?" Matilda crossed her arms over her chest. "Masikip dito. Simple."

"Pero dito ko nararamdaman ang homey ambiance, Matmat."

Napatango sya. "Okay. Okay, gutom ka na ba? Gusto mong ipagluto kita?"

Matilda is our private nurse, at isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa mansyon namin. Sya ang labasan ko ng sama ng loob.

Bumuntong hininga ako at hinipan ang tsaa na ginawa ko.

"Kumusta sa mansyon?"

"Everyone is furious. Kung alam mo lang, halos lahat ng lugar ay sinuyod na ni Duke Javier. And Philippines is his last stop." Tinagilid nya yung ulo nya. "I'm really new to this, iyong nakasuot ka lang ng simple at nakaupo sa halos bumigay nang sofa."

"I wanted to be a strong independent woman like you, Matilda."

"Okay, I understand. Kung ako din naman siguro ang nasa katayuan mo, masasakal din ako sa buhay ko. But on the second thought, ang sarap kaya maging Duchess."

Humigop ako sa tsaa na hawak ko. I blinked twice. Uuwi naman ako sa London, pero di pa ngayon. May mga gusto lang akong patunayan sa sarili ko at makita nang ako lang.

For the past twenty two years of my life, palagi nalang may nakamasid sa bawat galaw ko. At first it was good, pero nang tumagal na, nakakasakal na din. Hindi ko na magawa yung mga dapat kong gawin kasi may matang nakatingin. And my mom, she's a perfectionist. Maybe because she's a Royal Duchess.

"I'll cook food. What do you want?"

"Anything you want." Sagot ko sabay silip sa smartphone ko.

"Okay, wait for me."

Pagkaalis ni Matilda sa harapan ko, I started to check my phone again. Pagbukas ko ng phone ay bumungad iyong article na tungkol kay Justin Reyes. Ang sabi dito, sa last charity event na inatendan nya ay napahiya sya nang buhusan ng wine sa gitna ng hall nung dati nyang asawa.

Well, he's really an ass. Mana kay Pa'pa.

I chuckled. I missed Pa'pa, two weeks palang akong naglalayas. Kaso kailangan kong panindigan to. I need to focus. For sure, kapag umuwi ka sa Mansion, Mom will slap me with the words "I told you so. Where's your pride now?"

Umiling ako at umayos nang upo. Ngayon, mukhang hindi ko pa ata mahihingian ng tulong si Justin because of the news. For now, enjoyin ko muna itong buhay ko ngayon. Sooner or later, who knows baka bigla nalang may mga nakaputing lalaki ang papasok sa munting bahay na to para bitbitin ako pabalik sa London.

NAUNA NA SI MATILDA sa restaurant. It's our first day. Simpleng black jeans at white polo shirt yung suot ko, Mat braided my hair. Masyado daw kasing mahaba. Should I get a haircut? Or not?

Ngumiti iyong security guard sa akin at nilahad ang employees door. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng restaurant, nandoon na si Matmat.

I know how to do the duties of being a waitress. May dalawang babae sa loob ng locker na ngumiti sa akin iyong isa habang iyong isa ay di ko sigurado kung umirap o umismid. Pero ngumiti pa din ako sa kanya.

"Ikaw yung bago diba? Welcome."

"Salamat." Dumiretso ako sa locker ko at nilagay nang maayos yung bag ko.

"Anong name mo?"

"Tinay Fenty." I stretch my hand for a handshake.

"Dimple Ojano. Nice meeting you." Tinuro nya iyong isa. "Sya si Sarah Prado."

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now