Chapter Ten

7.3K 171 4
                                    

Chapter Ten

The following days is not that busy. Tulad nga ng sabi ko, hindi naman halos araw araw na dinadagsa ng tao ang restaurant.

Iyon nga lang, panay nilang tinatanong kung sino daw ba si Laureen sa buhay ni Sir Pio. Si Sir naman ngingiti lang at hindi sasagot.

"Si Sir naman eh, pa-showbiz din sumagot." Sabi ni Matilda.

Pinanlakihan ko sya ng mata. Muli na namang natawa si Sir Pio at umiling iling.

"Anyway, go back to work. May bibilhin lang akong mga ingredients for my new recipe again."

"Ang sipag Sir. Parang every week may bago kayong recipe ah. Inspired po ba?" Sina Kuya Limuel.

"Kayo talaga. Gusto ko lang ng bagong menu para hindi magsawa ang mga costumer natin."

"Sir, gusto nyo po ako na bumili sa palengke? Ilista nyo nalang po."

"No, it's okay. Ako nalang. Asikasuhin nyo ang trabaho nyo." Umayos sya ng tayo. "But on the second thought, I need someone who can accompany me."

He slowly scanned his employee.

"Gusto ko sanang ako nalang Sir, pero may inuutos si Ma'an Aina sakin." Taas kamay ni Dimple.

"Matilda, are you done with the monthly sales?"

"Hindi pa, Sir. Pero may isa jang wala masyadong ginagawa."

"Who?"

Nagkunwari akong inaayos ang mga tray dahil ako nga lang iyong waitress na wala masyadong ginagawa. Iyong iba kasi kanya kanyang gawain. Ako, since walang tao eh hindi naman ako gaanong nagseserve.

"Hoy Tinay, ikaw nalang sumama kay Sir."

"Ako?" I stupidly pointed at myself.

"Oo. Ikaw lang yung hindi busy sa atin." Sina Kuya Jefferson.

"Shall we? Okay lang ba sayo?" Tanong naman ni Sir Pio.

Tumango ako agad. Alangan namang tumanggi ako? Baka matanggal pa ako ng hindi oras dahil tumanggi lang ako diba?

Nauna na si Sir Pio palabas. Halos ipagtabuyan naman ako nila Dimple palabas din.

Sumunod ako kay Sir at nakita kong sumakay na sya sa Fj cruiser nyang sasakyan. He opened the door for me. Okay, likas na gentleman si Sir Pio.

"Salamat po." mahinang sabi ko at sumakay na.

He closed the door and run towards the driver's seat.

"Tinay, wear your seatbelt." Sabi nya.

Nataranta naman ako at hinila iyon bago kinabit.

"Okay na?" I nodded.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan. I looked outside the window to ease some awkwardness.

"Okay lang ba na samahan mo akong mamalengke?" Tanong nya bigla.

Mabilis akong humarap sa kanya.

"Oo naman po, Sir."

He chuckled. "Mukha ka kasing napilitan lang."

Umiling ako. "Hindi naman po. Nahiya lang po ako na ako pa ang pinasama sainyo." I cleared my throat. "Kayo po talaga ang namamalengke para sa ingredients ng recipe nyo?"

He manuevered. "Yes. Gusto ko kasi personal kong nakikita ang mga iyon, sigurista ako dahil pagkain ang nakasalalay dito."

Napa-Ah ako at tumango nalang.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon