Chapter Seven

7.4K 170 14
                                    

Chapter Seven

Di gaanong madami ang pinamili ni Nana Lita. Nag abot din naman ako pandagdag.

"Sure po kayong ayos na yan?"

"Ayos na ito, hija. Gutom ka na ba?"

Tumango ako agad. Actually, kanina napansin ko yung sa gilid ng palengke, I don't know if it's banana or what? Baka banana grilled.

"Anong gusto mong kainin bago tayo umuwi?"

"Iyong nasa gilid ng palengke kanina, Nana Lita. Yung may usok ba?"

"Ah, iyong inihaw na saging. Sigurado kang gusto mo yun?"

Humawak ako sa braso ni Nana Lita at ngumiti. Tinapik ko pa iyong tiyan ko.

"Yes. It's look different and I wanted to try it."

"Ayaw mo ng burger o pizza?"

Mabilis akong umiling kay Nana Lita. Nag eecho kasi sa utak ko iyong sabi ni Matilda na kailangan naming magtipid.

Ang ending, nasa harapan na kami ng inihaw na saging daw. Ngumiti ako doon sa babaeng nagtitinda.

"Ilan po?"

"Apat ate. Magkano?"

"Kinse isa."

I blinked. What's kinse?

"Fifteen pesos iyon, hija."

"Ah. Okay bale sixty pesos no po?"

Pagkaabot ko noong bayad ay agad kong hinawakan iyong isang stick. Ngiting ngiti si Nana Lita sa akin kasi walang sabi sabing kinain ko iyong saging.

"I never thought that this food exsist. Hmm.. masarap sya ah."

"Magdadalawang buwan ka palang dito sa Pilipinas pero ang bilis mong maka-adjust. Hindi mo ba namimis si Duke Javier?"

"Alam mo, Nana Lita. Namimiss ko syempre po. Pero iba yung nandito ako. Iba yung pakiramdam ko. Para akong nakawala."

"Buo na ba ang desisyon mong dito nalang sa pilipinas? Paniguradong galit na galit na ang Ma'ma mo."

Napaismid ako. Sa totoo lang bago ako tuluyang nakatakas sa mansyon namin, nag away pa kami ng Ma'ma. May pinapagawa sya sa akin na ayaw ko.

"For sure they will do everything to find you."

Ngumuso ako kay Nana Lita. Para kasing ayaw nyang nandito ako.

"Tell me the truth, Nana Lita. Ayaw mo po ba ako dito?"

Mula sa pagaayos nya ng mga pinamili ay tumingin sya sa akin. Mas lalo kong nginuso ang labi ko.

"Hindi naman sa ganon, hija. Iniisip ko lang ang pwedeng gawin ng mga magulang mo sayo oras na matuntun ka nila dito."

"I can handle it po. For now, can I enjoy my stay here?"

"Ikaw talagang bata ka, gagawin mo talaga ang lahat ayon sa kagustuhan mo."

Lumapit ako sa kanya at tinulungan sya sa ginagawa.

"Nga pala, nabanggit mong Lausingco ang boss mo?"

Tumango ako. "Ayun nga po iyong tinanong ko sa inyo noon."

"Restaurant? Baka iyong Belle Ame na restaurant."

"Yun na nga!"

Saglit na tumahimik si Nana Lita kaya sinilip ko sya.

"Bakit po?"

"Wala lang. Natutuwa lang ako na nandito ka na uli sa tabi ko. Mula pagkabata mo, ako lang iyong lagi mong kasama."

"Nana Lita, you are so sweet."

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now