Chapter Sixteen

6.6K 173 54
                                    

Chapter Sixteen

I woke up with a white wallpaper. Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Mama, she's awake."

I look at my side and saw Zk looking at me.

"Kumusta pakiramdam mo, Tinay?" Ma'am Sinag asked.

"O-okay na po."

"Sigurado ka ba?"

I nodded. Tumayo ako pero pinigilan nya ako.

"Take a rest first, please."

"Kailagan k-ko na pong bumalik sa t-trabaho.."

"Magpahinga ka na muna, iyon ang bilin ni Pio." Tumitig sa akin si Ma'am Sinag.

Maya maya pa ay may inabot sya sa akin na lalagyan ng contact lens. Kamuntikan na akong matumba sa kinahihigaan ko. I cleared my throat.

"So, you're wearing a contact lens? Blue talaga ang kulay ng mata mo?"

I can't find the right words to explain it. Tinanggap ko iyon at tahimik na nilagay sa mata ko. Inabutan din ako ni Ma'am Sinag ng solution.

"Hindi ko na itatanong kung bakit nagsusuot ka. Maybe it's private."

"Sorry po, Ma'am Sinag.." My throat went dry. "Ano pong sabi ni Sir Pio?"

"Hindi nya alam na may contact lens ka. Pagkahatid nya dito sayo, pinatawag din agad sya sa Hall room. So, I volunteer to be here, sabi ng doctor kanina delikado ang contact lens, Tinay. Kaya tinanggal namin and she even check your eyes."

I am relief that Sir Pio was not here. Kulang nalang iyong kaba ko, kasi di ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila. Pero madali lang naman iyon.

"Half ka ba? Based on your eye color."

Lumunok ako. Ready for my lies.

"Iyong Nanay ko po, Ma'am. Pero ayaw ko po kasi sa mata ko kaya nagsusuot po ako ng ganito."

Tumango sya. "Okay, payo lang. Stop wearing contact lens, Tinay. Baka masira iyang mata mo."

"Too much attention po kasi kapag blue ang mata."

"Ay sorry. Bakit ba ako nangingialam."

Ngumiti ako. "Salamat po, Ma'am Sinag."

"If it's a secret, don't worry hindi ko ipagsasabi." She even tapped my shoulders.

As on cue the door opened and revealed Sir Pio. Napatingin sya agad sa akin.

"Okay ka na?"

Mabilis akong tumango. He handed me a small inhaler and some medicine.

"Sabi ng doctor may short asthma ka daw kapag inaatake ng allergy mo sa hot sauce or sa kahit anong mahalang na pagkain."

"Pero okay na po ako, Sir."

"At huwag ka na munang tumulong sa pag aayos. Maupo ka nalang sa table at maki-party. I won't mind, sina Dimple nalang daw ang bahala mamaya."

"K-kaya ko naman po, Sir."

"Who's your boss again?" Sabi nya na kinatahimik ko. "Sumunod ka nalang, please."

I just nod my head. It is past five thirty already. Ilang oras nalang magsisimula na ang Engagement party kaya pala ayos na ang itsura ni Sir Pio but he's just wearing a casual while polo shirt and a black pants.

"Tabi ka nalang sa table namin mamaya para hindi ka out of place." Sabi ni Ma'am Sinag noong makalabas si Sir Pio.

Tumango ako. "Thank you po."

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now