Chapter Twelve

6.9K 145 8
                                    

Chapter Twelve

Tinago ko ang basahan na dala sa bulsa ko bago nilapitan iyong babaeng nagtaas ng kamay. I'm a bit shocked because of her hair. Kulay blue, though bagay naman sa kanya.

"Miss, isa nga nitong beef brocolli with rice tyaka pork sisig."

"Drinks, Ma'am?"

"May whisky kayo?" Natawa sya. "Biro lang. Just iced tea. Salamat."

"Okay, Ma'am. Wait lang po ng five minutes."

She nodded and handed me the menu book. Pinilas ko iyong papel at inabot na sa serving area.

It is a typical day today. Lunch at kakapasok lang ni Sir Pio. His with his coat and tie again. Pagkapasok nga nya sa opisina ay nagpadala lang ng kape at hindi pa lumalabas ngayon.

"Enjoy Ma'am." I tried smilling at the lady but her eyes doesn't feel the same way. Malungkot.

"Thank you."

Yumuko na ako at handa nang umamba ng alis kaso ay tinawag nya ako.

"Ahm, Miss? Nandito ba si Pio Lausingco?"

I stared at her. Lately, puro babae ang naghahanap kay Sir Pio. Ganun sya kadikit sa mga babae?

"Yes Ma'am. Kaso mukhang busy po at nasa opisina."

"Oh! Okay, thank you.."

I smiled and turned around.

Madami dami na akong nagawa pero iyong babaeng blue ang buhok ay nanatiling nakaupo doon sa table nya. Mabagal nyang kinakain ang inorder na pagkain.

"Ba't sineset up ang mini stage?" Tanong ko kay Dimple.

"Awan, utos lang ni Sir."

"Baka may bisitang local band mamayang gabi." Sagot ni Sarah.

I watched Kuya Raven fixed the mini stage. Nakaramdam ako ng excitement sa narinig na may banda daw. Dati kasi sa London, kinakailangan ko pang tumakas makarating lang sa mga resto bar na may mga banda doon. But it was worth it kahit pag uwi ko, sermon galing kay Ma'ma ang maririnig ko.

"Sir? May kailangan kayo?" Gulat na tanong ni Steffi kay Sir Pio nang mabilis syang lumabas sa opisina nya.

Suot ang white dress shirt na magulo ang neck tie and a black slacks with his slippers, Sir Pio ignored us and look for something. Nang makita ay agad na nilapitan nya iyon.

Kita ko ang ginawa nyang pagtapik sa braso noong babaeng blue ang buhok. Agad naman syang niyakap noong babae.

"Tinay, table 10."

"Okay. Wait."

I should ignore it okay, but I can't help it. My head always turn at them. Mukhang kakilala ni Sir Pio ang babaeng bule ang buhok kasi masinsinan silang nag uusap. I even saw Sir Pio's forehead knot.

"Miss,"

I shooked my head and immediately walked towards the lady who called for my attention.

"Yes po?"

"Pwedeng pa-take out nitong dalawang meal?"

"Opo Ma'am. Wait for a second lang po."

Nilagay ko iyong dalawang meal sa tray na dala ko at lumapit sa station kung saan nakalagay ang mga gamit para sa take out. I carefully tied it.

"Here it is, Ma'am."

"Thank you, Miss."

Ngumiti ako at tumango bago umatras. Again, I turned my head over them.

The Duchess Sneakers (Lausingco Series #6)Where stories live. Discover now