Chapter 55: The effect of his name

47 2 0
                                    

55:The effect of his name




Khaira's POV

Hayst! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.Nandito ako ngayon nakaupo sa may bleachers habang hinihintay si Espe.

Kasalukuyan akong nag iisip tungkol sa pinag usapan nila Ate nung isang gabi.

Hanggang ngayon hindi ko parin malaman ang dahilan kung bakit ganon ang epekto sakin ng pangalan na yun.Nakalimutan ko na nga yun ehh pero bumalik na naman dahil nabanggit ni Ate yung name na yun.

Zurich! Pilit kong inaalala kung sino si Zurich pero wala parin.Walang nangyayari kundi ang pagkirot ng ulo ko dahil na naman sa pag iisip ng kung ano ano.Iba ang epekto sakin ng name na yun.

When I heard that name again, kumirot na naman ang dibdib ko that time.Wala akong nagawa kundi tumahimik lang at pakinggan nalang sila.Pati nga yung Kim familiar rin sakin ehh.Walang ibang nangyayari sakin kundi maging familiar lang sa mga pangalan na naririnig ko sa kanila.

Who's Kim, anyway? Related din ba yun sakin o magkakilala ba kami that's why her name is very familiar to me? Kasi si Zurich, tanggap ko nang magkakilala nga siguro kami dahil nagsesend sya ng message sakin noon ehh and He know my name pero yung Kim, I can't remember her.

Napasapo nalang ako sa mukha dahil sa pag iisip ng husto.Kahit anong gawin kong pag alala sa kanila wala talagang lumalabas sa ulo ko kahit man lang blurred image nila.

Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko saka pumikit.Kumikirot na naman ang ulo ko.Ngayon nalang ulit nangyari to sakin.Grrrrrr!

"Hoy!" napaangat bigla ang ulo ko dahil sa gulat."....HAHAHAHAHAHAHA."

Tawa ni Espe ang bumungad sakin ng tumingin ako sa kanya.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa nyang paggulat sakin.

"Huwag ka ngang matulog dito, Khai!" sita nya sakin.

"Hi, Khaira!" napatingin ako kay Pyar nang marinig ko syang magsalita.

"Hello!" bati ko pabalik saka ngumiti.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko habang si Espe naman ay umupo sa harap namin.

"Alam mo, Khai? Bagay kayo.Yieeeee!" tinusok tusok nya ako sa tiyan ko habang kinikilig sa sinabi.

Kahit kailan talaga sira to si Espe ehh.

"Sagutin mo na kasi sya, Khai! Huwag mong sayangin ang isang lalaki na tulad ni Pyar.In short, huwag mo syang sayangin." ngumiti na naman sya ng nakakaloko habang si Pyar naman ay umiiling iling na dahil sa ginagawa nitong si Espe.

"Tumahimik ka nga dyan, Esperanza!" saad ko.Binuo ko yung name nya para matigil sya.Nagtagumpay naman ako dahil sumimangot sya at hindi na nagsalita pa.

"Sa totoo lang, okay lang naman sakin Espe kung matagal pa bago nya ako sagutin.Hindi naman ako nagmamadali ehh besides ako naman ang may gustong manligaw sa kanya kaya I can wait hanggang sa sagutin nya ako." saad ni Pyar habang seryosong nakatingin sakin.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now