Chapter 37: Broken Heart

54 3 0
                                    

37:Broken Heart


Buong araw ang lumipas pero nanatili lang ako dito sa bahay at nagkulong sa kwarto.Ang OA ko diba? Pasensya na dahil softhearted ako, hindi ako pusong bato para hindi masaktan sa nangyari.

Hindi pa alam ni mommy na nakita ko si daddy at ang bagong pamilya nito dahil hanggang ngayon nakakulong parin sya sa kwarto nya at inaasikaso ni yaya miling.Ganun talaga! Like mother, like daughter.

Pareho kaming niloko ng taong mahal namin sa magkaiba nga lang na rason.Hindi ko talaga alam at hindi ko matanggap kung bakit tinago sakin ni Zurich yun.

Speaking of him, pumunta sya dito kagabi sa bahay pero hanggang sa labas lang sya.Hindi ko sya pinapasok at kinausap dahil hindi ko pa kaya. Hindi ko alam kung anong sasabihin.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa kanya.Hindi ko alam kung dapat ko bang pakinggan ang paliwanag nya.

Mommy nya ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.Simula nun naging malungkot ang bahay at feel ko nag iisa nalang ako dito.

Sigaw sya ng sigaw kagabi habang si Zero naman ay pinipigilan sya.Ako? Nakahiga at pilit na hindi pinapansin yung pag tawag nya sa pangalan ko.He's crying while calling my name and our endearment na lalong nagpaiyak sakin.Hindi ko talaga sya kayang harapin dahil sa ginawa nya.

Sorry sya ng sorry pero pilit kong in-ignore yun.Paulit ulit rin syang tumawag sa cellphone ko nung umalis sya at umuwi.He texted me many times pero hindi ako nagre-reply.I will talk to him but not now.Hindi ko pa talaga kaya.

Tumihaya ako saka tumitig sa kisame.Sunod sunod ulit na tumulo ang luha sa mga mata ko.Nangyayari na sakin ngayon kung ano man ang nangyari kay mommy.Paulit ulit lang akong umiiyak.Sumasakit na ang ulo ko sa kakaiyak.

Napatingin ako sa pinto nung may kumatok.Narinig kong nagsalita si yaya miling mula sa labas.Binuksan nya ang pinto at sumilip sa kinaroroonan ko.

I forced myself to give a smile but it's a fake one.Sanay na rin naman akong ngumiti sa harap ng mga tao lalo na sa pamilya ko kahit na sobrang sakit na yung nararamdaman ko.Hindi na bago to sakin.

"Hindi ka pa kumakain simula kanina.Dinalhan kita ng pagkain para makakain ka na." inilapag nya sa may table ang pagkain na dala nya.

"Thank you po yaya miling pero wala po akong ganang kumain." saad ko saka humiga at tumalikod mula sa kanya.

"Hindi pwede, Khaira.Kailangan mong kumain dahil baka manghina ka." naramdaman ko na umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Mamaya nalang po siguro.Iwan nyo nalang po dyan." sambit ko para tumigil na sya.

Wala talaga akong ganang kumain.Hinang hina ako at tinatamad akong kumilos.

"Alam kong sobra kang nasasaktan dahil sa nangyari, Khaira pero kailangan mong maging malakas para sa mommy mo.Magkukulong ka rin ba dito tulad ng ginagawa ng mommy mo? Ikukulong mo rin sa kalungkutan ang sarili mo? Dapat mong lakasan ang loob mo, Khaira.May pamilya ka pang natitira, nandyan pa ang mommy at ate mo.Alam kong hindi ka nila iiwan.Hindi mo kailangan maging ganito." mahabang litanya ni yaya miling.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon