Chapter 44: Crying again

48 2 0
                                    

44:Crying again


"Akala ko kumalas ka na sa grupo natin my beloved brother, Xhylo."

Matapos kong marinig ang mga salitang yun, parang biglang nabingi na ang tenga ko dahil mukhang may isang tao pang malapit sa akin ang niloko ako.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ulit kapag may isang tao na naman na niloko ako at sobrang malapit sakin.

I was expecting him to speak pero nanatili lamang syang nakatingin kay Xavier habang ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

Gusto kong umiyak ngayon dahil sa narinig at nakikita ko.Totoo ba yung narinig ko? Ano na namang kalokohan to? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na to.

Tiningnan ko si Xhylo na kasalukuyang nakatingin kay Xavier.Para akong imbestigador na naghahanap ng kasagutan sa isang bagay na hindi ko alam.Panay ang paglipat ko ng tingin sa kanila at hinihintay ang sasabihin nila.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.Natatakot na naman ako sa posibilidad na niloko na naman ako ng isang tao na malapit din sakin.Na pinagkatiwalaan kagaya ng ginawa ko kay Zurich.Paano kung katulad din sya ni Zurich na niloko ako? Na baka naging malapit lang din sya sakin dahil may kailangan sya?

Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nangyayari sakin to.Deserved ko ba to? Ano bang ginawa ko para lokohin ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko lalong lalo na ng taong minahal ko? Why do I have to feel this kind of pain? King ina, ayoko nang umiyak!

"What's the meaning of this, Xhy? Kapatid mo sya?" hindi ko na napigilan ang sariling kong tanungin sya.Para akong tanga ditong naghihintay sa isasagot nya but he did not answer my question.

"...kasabwat ka ba nya?" I asked again dahil karapatan ko naman siguro malaman, diba? I just need to answer my question because I want to know kung totoong kapatid nya tong nagpakidnap sa amin.

Napalingon ako kay Xavier dahil sa malakas nyang tawa habang pumapalakpak pa.Dahan dahan syang naglalakad papunta samin.

"HAHAHAHAHA! I like this kind of scene.Mga kaibigan na pinagkatiwalaan, isang lalaking minahal at isang babae na walang kaalam alam sa nangyayari or should I say, walang kaalam kaalam na niloloko na sya ng mga taong nasa paligid nya lalo na ng taong minahal nya..." saad nya at tumawa ulit.He looked at me at sumimangot na parang nalulungkot sa nangyari sakin.

"...And ako na ang magpapakilala sa kanya sayo.That man beside you is my brother.Kapatid ko yan na naging katulong ko sa planong to..." tumingin ako kay Xhylo na nakayuko na ngayon.Tama nga ang nakita at iniisip ko."...he's so good at acting, right? Just like what Zurich did to you, I ordered him to look after you at ibalita lahat ng nakikita at nangyayari sa inyo.He make friends with you para mapalapit sya sayo at mapadali ang plano.Lahat ng taong nasa paligid mo ngayon na naging malapit sayo ay niloko ka lang." he said habang nasa likod ang mga kamay na parang isang guro na nagkukwento sa mga estudyante nya.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon