Chapter 41: Revelations

53 3 0
                                    

41:Revelations

Khaira's POV

Naalimpungatan ako nang may marinig akong mga boses na paparating.Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para makita ko kung sino ang mga yun.

Puro mga lalaki ang nakita ko at nakatakip rin ang mga mukha.May bitbit ang isa na natutulog na babae nang makita ko silang pumasok.Mga tawa lang nila ang naririnig ko at dahil sa takot, hindi ako gumalaw.

"Ilapag mo na yan dyan! Wag nyong gagalawin ang dalawang yan kundi lagot kayo kay Boss." saad ng isang lalaki na mukhang yung leader nila.

"Ehh bakit ba ayaw sa atin ipagalaw tong dalawang to? Papasayahin lang naman natin sila ehh.Sayang naman yung kinis at ganda nila." nagtawanan sila dahil sa sinabi nung isa.

Nahihilo parin ako hanggang ngayon dahil sa pabango na nalanghap ko kanina.

"Basta! Makinig nalang kayo! Baka gusto ni Boss, sya ang mauna.Hahahaha!" nagtawanan na naman sila.

Ano bang nakakatawa sa mga sinasabi nila? Kung hindi lang ako nahihilo, baka nasapak ko na sila isa isa.Marunong naman akong lumaban pero hindi ko alam kung magiging sapat ba yun para matalo ko sila.Pito sila at malalaki pa ang mga katawan, baka kung mapano pa ako kung nagkamali ako ng galaw.Grrrr! Nakakabwesit din palang maging babae!

"Tara na! Magbabantay tayo sa labas.Kayong dalawa ang magbabantay sa labas ng kwartong to.Bantayan nyong mabuti yan dahil kapag nakatakas ang mga yan, lagot na naman tayo kay boss." tumango yung dalawang lalaki na tinuro ng leader nila saka sila lumabas lahat at sinara ang pinto ng pinaglalagyan namin ngayon.

Hinipo ko ang sintido ko, umaasa na mawala na ang pagkahilo ko.Napalingon ako dun sa babae na dinala nila.Medyo madilim sa loob ng kwarto at lumalabo pa ang mata ko kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha nung babae.Sino ba yan? Parang familiar sakin yung suot nyang damit.

Isa lang naman ang kilala kong nakaganyan sa party kanina.And speaking of the party, Arghhh! Naalala ko na naman ang nangyari.Putcha! Wag ka nang iiyak, Khaira! Ang kailangan mong gawin ngayon ay ang mag isip ng paraan kung paano ka makakatakas dito.

Tiningnan ko ang buong kwarto at nadismaya ako nang wala akong makitang bintana na pwedeng labasan.Tanging pintuan lang talaga ang madadaanan mo para makalabas.Kaya pala madilim dahil walang nilalagusan ang liwanag sa kwartong to.

Napasandal nalang ako sa pader malapit sakin at pilit na nag isip ng paraan.How can I get out of here? Sumabay pa ang katawan ko na naghihina at paa ko na sumasakit.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now