Chapter 49: She's Awake

58 2 0
                                    

49:She's Awake




Esperanza's POV

Nandito kami ngayon sa isang private room.Dito merong mini living room at flat screen TV na mapaglilibangan ko habang binabantayan si Khaira.

Nilipat na kasi sya dito matapos syang icheck ng doctor nung magising sya.Wahhh! Sobrang saya ko talaga dahil gising na sya.Almost one month rin syang natulog at sobrang miss na miss ko na sya.

Nung magising sya at matapos syang I check nang doctor, natulog din sya ulit kaya hindi ko sya nakausap.Ni hindi nga sya nakasalita nung gumising sya.Nakalimutan nya kaya kami? Sana naman hindi.Ayokong makalimutan nya ang pinakamaganda nyang kaibigan.

Nakaupo ako ngayon dito sa tabi nya habang natutulog sya.Nanunuod naman ako ng movie habang binabantayan ko sya.

Inayos ko ang kumot nya saka ngumiti.Buti naman at nagising na sya.

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Tita at Tito na may dalang pagkain.Bigla ko tuloy naalala ang nangyari nung gabing pumunta dito si Zurich.Paglabas ko nun wala na sya dahil pinaalis na ni Tita at okay na siguro yun dahil hindi nya malalaman na gising na si Khaira.

"Good morning, Tito, Tita!" bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning rin, ija!" nakangiting saad ni Tita.Ngumiti din naman sakin si Tito at lumapit sya sa anak nya.

Hinalikan nya ito sa noo at inayos ang buhok ni Khaira.Masayang masaya sila ngayon dahil nga okay na si Khaira pero iniisip rin nila ang mangyayari oras na makita kami ni Khaira, kung naalala nya pa ba kami.

"Kain ka muna, ija!" hinila ako ni Tita sa may couch.Nilapag nya naman ang dala nyang pagkain sa lamesa saka binuksan ang mga ito.

"Thank you po, Tita." saad ko ng iabot nya sakin ang plato na may laman na kanin at ulam.

"Salamat nga pala, ija sa pagbabantay sa anak ko.I'm so happy dahil nagising na rin ang anak ko." nakangiti sya habang sinasabi nya sakin yun.

Masaya rin ako dahil masaya na sila Tita.Simula kasi nung ma-coma si Khaira,puro malulungkot na mukha nila ang nakikita ko.

"Oo nga po Tita ehh.Masaya rin po ako dahil nagising na sya.Lagi lang po ako nandito para sa anak nyo.Kaibigan ko po sya ehh." saad ko.Hinawakan nya ang braso ko saka ngumiti.

"Thank you, ija! Kain ka lang dyan at kami muna ang magbabantay sa anak ko." saad nya saka tumayo.Tumango naman ako sa sinabi nya at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

Nakita kong nginitian sya ni Tito nang makalapit sya dun.Buti naman at nagawa nilang magkaayos para sa anak nila.Alam ko rin kasi ang nangyari sa pamilya nila dahil nga sinabi sakin yun ni Khaira.Sana nga magkaayos na sila ng tuluyan at mabuo ulit ang pamilya nila.Mahirap kasi sa isang anak ang hindi kasama ang tatay o ang nanay.Naranasan ko na kasi yun kaya ayokong mangyari yun kay Khaira.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now