Chapter 39: Announcement

55 2 0
                                    

39:Announcement

Puro mga nakangiting bisita ang nakikita ko habang yung iba naman ay nakikipagkwentuhan sa katabi nila habang nakangiti at nakatingin sa aming dalawa.

Napatingin ako sa harap kung saan nakatayo sina Tito Arnold at Tita Zeph kasama yung kapatid ni Zurich at isang napakagandang babae.

She's looking at us habang nakakunot ang noo at nakataas ang kaliwang kilay.Sa itsura nya palang, makikita mo na ayaw nya sa nakikita nya ngayon.Zurich's hand is around my waist and based on how she look at us, it seems like she don't like me.

She's wearing a long fitted dress too na may slit sa kanang legs dahilan para ma-expose ang makinis at maputi nyang balat.Kulay red ang suot nya na bumagay sa kanya.She looks like a goddess at makikita mo ang pagka-curve ng katawan nya.

Base sa tayo at posture nya, I think she's a model at hindi ako magtataka kung totoo nga.She's now looking at Zurich with a big smile.

Napalingon ako kay Zurich at kitang kita ko ang walang emosyon nyang mukha habang nakatingin dun sa babae.Anong meron? Parang biglang nagbago ang mood ni Zurich nang makita nya ito.

"Hey, Zurich! It's nice to see you again! I missed you so much." nagulat ako sa biglang pagdating nang babae sa harap namin.

Lumapit sya kay Zurich saka niyakap ito at hinalikan sa pisngi.Bigla naman akong nakaramdam ng inis sa ginawa nya.Is she not aware that I'm here? Is she not aware that the man she kissed is my boyfriend? Nakakainis!

"Did you miss me?" tanong nya habang nakangiti.Parang hindi sya aware na may kasama si Zurich dito ahh.

Napatingin ako kay Zurich nang tumingin sya sakin.Mas hinigpitan nya ang paghawak sa bewang ko at ngumiting humarap sa babae.

"Yeah, Kim! I missed you too! Thank you for coming! And by the way..." So, her name is Kim? He looked at me at tumingin muli kay Kim."She's Khaira, my girlfriend." He said.Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ohh! So, your name is Khaira! You're his girlfriend and the lucky girl! Nice to meet you, lucky girl!" inilahad nya ang palad sakin na agad ko namang tinanggap para makipag shake hands.

Bakit nya naman ako tinatawag na lucky girl? I have a name, she don't need to call me that.Pero tama naman sya dahil swerte talaga ako at naging boyfriend ko si Zurich.

"Nice to meet you too!" bati ko.After that she look again at Zurich na parang sya lang talaga ang nag e-exist dito sa party.

"By the way, babe—–oopps, sorry! I mean, Zurich..." tumingin pa sya sakin na parang nang aasar.Halata namang sinadya nyang sabihin yun."...I know na alam mong may announcement mamaya si Tito kaya maraming bisita ang narito ngayon and I'm so excited for the announcement.I know you will be surprise and happy kapag sinabi na ni Tito." hinawakan nya ang dibdib ni Zurich na parang sanay sanay na syang gawin yun sa lalaki.

Who is she, by the way? Matalik na kaibigan ba nya si Zurich or what para ganon sya ka-comportable na hawakan ang boyfriend ko? Hindi man lang nahihiya sa mga bisitang nakakakita sa kanya.

He's In love with the Ugly GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora