Chapter 13: Plan

68 3 0
                                    

13:Plan



Ilang minuto nalang at matatapos na ang third subject namin.Kunti nalang Khaira, kayang kaya mo yan! Kanina pa kasi ako naiihi at mukhang atat na atat na ang ihi ko na lumabas.Hindi kasi ako nage-excuse na lumabas ng room kapag may klase pa dahil ayokong may ma miss na part ng lesson kaya hinihintay ko muna na matapos ang klase bago mag cr.

Grrr! Nangiginig na ako sa kakapigil.

"What's happening to you?" rinig kong tanong ng ugok.

Lumingon ako sa kanya at tinarayan sya.Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya.Pusa! Ayoko talaga dito pero wala na akong magagawa.Nakakainis kasi tong si Zurich.

"Answer me." mahinahon pero may diin yung sinabi nya.

Ehh paano kung ayoko?

"It's none of your business." mataray kong sagot.Kala nya sya lang may kayang mag english ahh.Kaya ko rin yun.

Nakita kong inirapan nya ako.Totoo ba yung nakita ko? Nang-iirap pala ang lalaki? Bago sakin yun ahh.Ganda ng mata ehh kaya ang lakas mang irap.

"See you tomorrow class goodbye."

Tumayo na agad ako dahil hindi ko na talaga kayang tiisin ngayon.Putcha! Ayokong maihi sa panty ko.Nakakahiya!

Hahakbang palang sana ako para umalis pero hindi ako nakagalaw dahil sa kamay na humawak sa braso ko.Sasapakin ko na talaga sya.Naiihi na ako ehh.Ano na naman bang sasabihin nya?

"Where are you going?" tanong nya.

Putspa talaga! Ano bang pakealam nya?

"Pakealam mo ba kung saan ako pupunta?" irita kong sagot.Nakakainis na sya ahh.

"Just answer my question.Gaano ba kahirap sayo yun?"

"Ehh bakit kasi nagtatanong ka pa? kailangan ba alam mo lahat kung saan ako pupunta o anong gagawin ko?" sigaw ko.

Napatingin bigla sakin ang iba.Oo na,agaw eksena na ako ngayon.Ihhh! Hindi ko na talaga kaya.

"I'm just asking.What is wrong with that?"

"Ahh basta." sagot ko nalang sabay talikod at agad na lumabas ng room.

Pusa! Ang layo pa naman ng cr mula dito.Naiihi na talaga ako...Binilisan ko na ang paglalakad ko at nilakihan ko na ang bawat hakbang na ginagawa ko para mabilis akong makarating sa cr.

Gosh! Wag ka munang lumabas please!

Nang makarating ako sa cr, agad akong pumasok sa pinakahuling cubicle para agad ilabas ang kanina ko pang tinitiis.Hindi kasi makahintay ang kailikasan ehh.Dapat hinintay nya nalang na makauwi ako sa bahay bago nya ako tinawagan.

Hayst! Salamat at nakaihi na rin ako.Kanina ko pa to tinitiis ehh...

Habang naghihintay ako na mailabas ang lahat nakarinig ako ng kalampog mula sa labas.Ano yun? Gosh! May multo ba dito? Wag naman sana.Baka may pumasok lang siguro at nag cr din.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng may marinig akong magsalita.

"Are you ready?" tanong ng isang lalaki.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now