Chapter 33: The enemy is back

48 3 0
                                    

33:The enemy is back

Khaira's POV

4:30 pm.Maaga kaming pinauwi ngayon ng last subject teacher namin dahil may emergency daw kaya kasalukuyan kaming naglalakad ngayon palabas ng school kasama sina Zero, Kiel, Dentrix, at Aurie.

Hindi ko kasama ngayon si Espe dahil section lang naman namin ang maagang makakauwi dahil nga sa emergency ni Ma'am Yen.

"Oy, pre! San kayo pupunta ngayon?" tanong ni Zero ng makalabas kami ng school.Papunta kami ngayon sa parking lot.

"Tara, gala tayo.Tutal maaga pa naman ehh." yaya naman ni Dentrix na umakbay pa kay Zurich.

Sinigundahan naman ito ng tatlo.Napansin kong tumingin si Zurich sakin na parang nagtatanong o nagpapaalam sa pamamagitan ng pagtingin.Hindi ako nagsalita dahil it's up to him kung sasama ba sya o hindi.Bakit ko naman pipigilan diba? It's his choice at labas na ako dun.

"Ano, tol? Sama ka? Isama mo rin si Khaira kung gusto nya." saad ni Aurie sabay tingin sakin.

Umiling ako."Hindi ako pwede.Kailangan kong umuwi agad ng maaga at may mga assignment pa akong dapat gawin." saad ko.

"Yeah! We're not free now.We have a lot of things to do kaya kayo nalang ang mag enjoy.Right, babe?" segunda nya.Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi ka sasama sa kanila? It's okay for me kung sasama ka sa kanila besides desisyon mo naman ang masusunod."

"It's my choice.I will go with you para gawin yung mga dapat gawin and you all..." tinuro nya ang apat na mukhang malungkot or what dahil hindi nga sasama si Zurich sa kanila."...umalis na kayo ngayon kung aalis kayo dahil hindi ako sasama." saad nya.

Akmang hahakbang na si Zurich nang magsalita si Zero.

"Kung kaming apat lang din, edi sasama na kami sa inyo.Gagawin din namin yung assignment."

"You mu—–"

"Oh sige! Mas maganda kung matututo kayong gawin muna ang mga importanteng bagay bago ang gumala lalo na kung tungkol sa pag aaal." putol ko sa sasabihin ni Zurich.

"Ohh yun naman pala ehh.Tara na! Sigurado akong maraming pagkain sa inyo.Nagugutom na ako." si Kiel habang hawak hawak ang tiyan.

He's In love with the Ugly Girlजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें