Chapter 43: Tired of Everything

55 3 0
                                    

43:Tired of Everything




Third Person's POV

Tahimik na nakikinig ang lima sa sigawan ng dalawang kasama nila na nasa loob ng kwarto.Panay din ang tingin nila sa paligid upang tingnan kung may darating na isa sa mga tauhan ni Xavier.

Ilang sandali pa silang naghintay at umiiyak na Khaira ang bumungad sa kanila nang lumabas ito ng kwarto.Nauna itong naglakad sa kanila at hindi na sila hinintay pa.

Walang nag atubiling magtanong sa kanila kay Zurich at nanatili lamang na tahimik dahil sa itsura nito.Tanging si Kim lamang ang lumapit dito at kumapit sa braso nya.

"Zurich, let's get out of this place now.Baka maabutan pa nila tayo." saad ng dalaga habang nakalingkis sa braso ng binata.

Hindi sya pinansin ni Zurich dahil nakatuon lang ang paningin nya kay Khaira na naglalakad palayo sa kanila lalo na sa kanya.

Habang nagpaplano sila na makalabas sa lugar na iyon.Nasa labas naman ang taong nagpakidnap sa kanila.Kasama ni Xavier ang iba nyang tauhan habang kaharap ang mga magulang nina Zurich, Kim, at Khaira.Wala syang kaalam-alam sa kung anuman ang nangyayari sa loob.

Nandito sila ngayon upang ibigay ang kailangan nya at mabalik sa kanila ang nga anak nila.

"Kompleto ba yang mga dala nyo?" tanong nya at tinuro ang tatlong bag na nasa harap ng tatlong pamilya.

Naglalaman ito ng malaking halaga kapalit ng mga anak nila.

Tumango naman sila sa tanong ni Xavier.

"Nandito na ang kailangan mo.Nasaan na ang mga anak namin?" tanong ni Mr. Wilford na ama ni Kim.Katabi naman nito ang kanyang asawa na umiiyak.

"Ilabas mo na ang anak namin.Kompleto ang perang hinihingi mo." saad naman ng ama ni Khaira na si Mr. Ramirez.

Nanatili lamang na tahimik ang tatay ni Zurich habang nakatingin  sa taong kumidnap sa anak nila.

Si Xavier naman ay malalim na nakatitig sa lalaking pumatay sa mga magulang nya.Based on how he look at him, parang pinapatay nya na sa isip nya ang taong kinamumuhian nya.Ito na ang araw na hinihintay nya kaya hindi na sya makapaghintay na patayin ang buong pamilya nito.

He let out a deep sigh and smiled at them habang hinihimas ang baba nya.

"I didn't expect na pupunta kayong lahat dito.Ang inaasahan ko lang naman na bisita ay si Mr. and Misis Juanillo but I was surprised dahil pati ang magulang ng dalawang dalaga ay sumama rin pala." tiningnan nya ang mga magulang nila Kim at Khaira."...it's my pleasure to meet and kill you all." bulong nya dahilan para hindi nila marinig ang huli nitong sinabi.

Sinenyasan nya ang mga tauhan nya na lapitan ang tatlong bag para tingnan ito.

"Totoo, boss." saad ng tauhan nya matapos nito i-check ang laman ng bag.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now