Chapter 28: Date (Part 1)

55 4 0
                                    

28:Date(Part 1)

Zero's POV

"Bakit ba sinama mo pa ako dito?" tanong ko nang makababa kami sa kotse.

Lumapit lang sya sa mga bulaklak at tiningnan ang mga ito.Hindi man lang sinagot ang tanong ko.Mas gusto ko pa sa school dahil natutulog ako dun.Inaantok parin ako.

Imbis na pumasok kami sa school, nandito kami ngayon sa isang flower shop.I don't know why are we here.Sa tagal ng pag kakaibigan namin, ngayon ko lang sya nakitang pumunta sa isang flower shop and I'm sure may pagbibigyan sya nito.I think, I already know who is that girl.

"Hey! Ano bang gagawin natin dito?" inosente kong tanong kay Zurich na busy sa pagtitingin ng bulaklak.

Tumingin sya sakin na walang karea-reaction.

"You're f*cking stupid, Zero.Just help me to pick a f*king beautiful flower." he answered.

Napatango tango naman ako sa sagot nya.So? May pagbibigyan talaga sya?

"Para kanino ba yan? Hindi ko naman alam kung ano bang magandang bulaklak dyan." saad ko.

"Just help me to find a flower.Close your f*cking mouth."

Wala na akong nagawa kundi ang umikot sa buong flower shop para tumingin ng iba't ibang klase ng bulaklak.Ehh ano namang pipiliin ko dito? Hindi ako kagaya ng ibang lalaki na bibili ng bulaklak para sa babaeng napupusuan nila.Sa kama na diretso ang bagsak.

Kapag magbibigay ka pa ng bulaklak, masasayang lang din dahil malalanta at sigurado naman ako na hindi ganito ang gusto ng mga babaeng nakakama este nakakasama ko.

Imbis na maghanap, nilapitan ko ang babae na nagbabantay dito sa flower shop.Napasipol ako dahil sa ganda at sexy nya.Magamitan nga ng charm, sigurado naman ako na mahuhulog agad ito sakin ehh.

"Hi, miss!" saad ko sabay ngiti.

Ngumiti din sya sakin."Hello, sir! Ano pong kailangan nyo?" tanong nya.

"Ano ba yung pinaka maganda nyong bulaklak dito? Yung kasing ganda mo."

Tumawa sya ng mahina dahil sa sinabi ko.Mukhang kinilig sa gwapo kong mukha.

"Uhmm! Yung red rose po namin ang pinakamabenta dito sir kaya yun po yung pinakamaganda.Maganda po ito ibigay sa babaeng napupusuan nyo dahil sumisimblo po ito sa pagmamahal." sagot nya habang nakaturo sa red rose na nasa likod nya.

Tumango naman ako saka lumapit kay Zurich na mukhang hindi pa nakakahanap na pwede nyang ibigay.

"Yung red rose nalang ang ibigay mo.Tutal, mahal mo naman ata ang pagbibigyan mo nyan." saad ko nang makalapit kay Zurich.

He's In love with the Ugly GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang