Chapter 12: New Section

63 2 0
                                    

12:New Section



Wahhhh! Inaantok pa akoooo.

Kunting kunti nalang pipikit na nang tuluyan ang mga mata ko dahil sa antok.Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya ito ako ngayon sa upuan ko at nakadukduk sa lamesa.Buti nalang wala pa yung teacher namin.Adviser pa naman namin yung pinaka terror kaya sana hindi muna sya dumating baka pagalitan pa ako nun.

Wahhh! I want to sleep more pa!

"Hoy! Wag na wag kang matutulog.Gagalitan ka ni ma'am sige ka." saad ni Xhylo na kanina pa nagpapaalala sakin.

Isa pa tong mokong na to.Gustong gusto kong matulog pero hindi ko magawa dahil maya maya ako sinasabihan na wag matulog.Pusa talaga yan! Bakit dumating pa sa buhay ko ang mokong na to? Ang kulit.

"Hoy! Tulog ka na ba?" inuuyog uyog nya ako kaya tumingala ako at tinuktukan sya.Kala nya lang ahh.

"Awhh! Para san yun?!" reklamo nya.

"Ang kulit mo kasi.Paulit ulit ka para kang sirang plaka." saad ko sabay sandal sa upuan ko.

Hihintayin ko nalang si ma'am kesa pumikit na kahit anong pilit ko ay hindi ako makakatulog dahil kay Xhylo.Pusa talaga!

"Baka kasi makatulog ka.Papagalitan ka ni ma'am."

"Alam ko yun kaya wag kang paulit ulit.Ang kulit mo!"

Napakamot nalang sya sa ulo nya saka nagsulat sulat ulit sa notebook nya na kanina nya pa ginagawa simula nung dumating sya.Hindi ba sya napapagod? Hayst! Ako kasi napapagod na...Napapagod na ako kakahintay.Pusa yan!

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si ma'am Jes.Buti naman at dumating pa sya? Twenty minutes na ang nakalipas ehh.

"Sorry class.May kinausap kasi ako that's why I'm late." saad ni ma'am habang nag aayos ng mga gamit nya.

"Uhhmm nandito na ba si miss Ramirez?"

Taka akong nag taas agad ng kamay.Kanina pa ako dito!

"Follow me."

Lumabas ulit ng room si ma'am kaya tumayo na agad ako para sumunod sa kanya.Saan naman kaya kami pupunta? Hindi man lang ako hinintay.

Nakita ko syang naglalakad kaya tumakbo agad ako para mabilis na makalapit sa kanya.Iniiwan iwan kasi ako ehh.

Dire-diretso lang kami ng daan.Mukhang sa guidance office ata kami pupunta dahil madadaanan namin yun.Pero bakit naman? May ginawa ba akong masama? Sa pagkakatanda ko wala naman.

Nakahinga ako ng maluwang ng lagpasan lang namin ang guidance at dumiretso lang si ma'am sa paglalakad kaya sumunod lang ako ng sumunod.Akala ko sa guidance kami pupunta.Kinabahan ako dun ha.

Ngayon ko lang na realize kung saan papunta ang hallway na dinadaanan namin.Mukhang papunta to sa last section which is section D. Sa lahat ng section,ito ang nahiwalay na room dahil mula section A which is my section hanggang C ay magka katabi lang.Tanging yung D lang ang naligaw.Yung section ng bangagan.Ano naman kayang gagawin namin dito?

He's In love with the Ugly GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu